^

Punto Mo

Aso sa Thailand, nakapiling muli ang amo matapos maghintay ng 4 na taon sa tabing daan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso sa Thailand na apat na taong naghintay sa tabi ng daan ang nakapiling muli ang kanyang amo. Salamat sa isang social media post.

Kumalat ang kuwento ng aso dahil sa post sa Facebook ni Anuchit Uncharoen noong Setyembre 5, nang mapansin niya ito habang pinakakain ng isang babae sa tabi ng daan.

Nang kausapin niya ang babae ay saka naman nito ikinuwento sa kanya na apat na taon nang naghihintay sa tabi ng daan ang aso at ganoon na rin daw halos katagal niyang pinakakain ito.

Sinbukan daw niyang iuwi ito upang kupkupin ngunit tumakas din daw ito at bumalik sa tabi ng daan kung saan niya ito natagpuan.

Kumalat ang post ni Unacharoen hanggang sa nakaabot ito sa dating nagmamay-ari sa aso. Kinontak nito sa Unacharoen at nagsabing may alaga rin siya dati na kamukha ng asong tampok ng post niya. Nawala raw ito noong 2015 nang tuma­lon ito mula sa kanilang tumatakbong sasakyan.

Bumisita ang nagpakilalang amo at napag-alamang ang aso nga ang nawawala niyang alaga na si Bonbon. Bagamat masaya ang aso nang makita ang kanyang amo ay hindi rin ito kaagad sumama sa kanya.

Inabot pa ng ilang araw bago umuwi nang magkasama ang mag-amo.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with