^

Punto Mo

Cayetano, puro gawa ‘di ngawa!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS dalawang buwan pa lang sa puwesto si Speaker Alan Peter Cayetano subalit marami na siyang ipinasang priority bills para suportahan ang mga programa ni President Duterte. Kaya hindi nagkamali si Digong na paunahin na mamuno si Cayetano sa House of Representatives na puro trabaho naman ang inaatupag para isulong ang mga proyekto ng gobyerno.

Kung sabagay, nang maupo si Cayetano bilang Speaker, nangako siya sa sambayanang Pilipino na isulong ang mga batas na magbibigay ng kaginhawahan at kaayusan sa pamumuhay nila na mabilis naman niyang ginampanan. “Sana po ako’y maging worthy at sana po ay tulungan n’yo ako para sa loob ng 15 na buwan ay mapagsilbihan po natin ang ating mga kababayang mabuti at lahat po ng nasa legislative agenda, ubusin na natin at ipasa na natin dahil mas magandang magawa na natin ito kaagad,” saad pa ni Cayetano. Hak hak hak! Gawa at hindi puro ngawa si Cayetano, ‘di ba mga kosa? Tumpak!

Sa simula ng unang regular session ng 18th Congress, naipasa agad ng liderato ni Cayetano hindi lang isa kundi tatlong priority bills sa kabila pa yan nang maraming ginagawang budget deliberations sa Kamara. Ang bill na ang layunin ay dagdagan ang excise taxes para sa alcohol, tobacco, at vaping products ay naaprubahan na noong Agosto 20.

Ilang araw makalipas, ang House Bill No. 304 o ang “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act” at HB 300 o ang “Amendment of the Foreign Investment Act” ay naipasa rin. Siyempre, nagawa itong lahat ni Cayetano sa pamamagitan nang pagkumbinsi sa mga Kongresista sa iba’t ibang political parties para isulong ang mga priority bills nga.

Dahil sa husay na liderato ni Cayetano, napatunayan naman niya na hindi nagkamali si Digong na iupo siyang Speaker sa loob ng 15 na buwan, di ba mga kosa? Hak hak hak! Totoong may isang salita si Cayetano at ipinakita naman niya sa pamamagitan ng pagtrabaho sa priority bills ni Digong. Mabuhay ang 18th Congress ng House of Representatives! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, hindi na tayo dapat magtaka kung parang napakadali nitong trabahuhin ni Cayetano ang pagpasa ng priority bills dahil na rin sa experience niya sa larangan ng pulitika at sa gobyerno. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na naging senador at secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Cayetano at nagamit niya ang natutunan sa mga sangay ng gobyerno sa kanyang pagiging House Speaker, di ba mga kosa?

At dahil sa kanyang mahusay na liderato, nagawa ni Cayetano na ipakita sa publiko na ang Kamara ay puwede rin palang makaiwas sa maingay, magulo at hati-hating grupo sa tuwing may mga batas na isinusulong sa House at naging tunay ang kasabihan na time is gold sa pagpapasa ng bills. Araguuyyy! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Tumpak! Abangan!

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with