Cashier sa Japan, arestado matapos i-memorize ang 1,300 credit card numbers
HINDI na kinailangang gumawa ng online scam o gumamit ng credit card skimmer ang isang cashier sa Japan para makapagnakaw ng 1,300 credit card numbers.
Nagawa kasing memoryahin ng 34-anyos na si Yusuke Taniguchi ang credit card numbers ng kanyang mga customer. Inaalam pa kung mayroon bang photographic memory ang cashier na si Taniguchi ngunit sa maikling oras na inilabas ng mga customer niya ang kanilang credit card ay nagagawa niyang tandaan ang credit card number, expiration date, at security code nito upang mailista sa kanyang notebook at magamit sa online shopping.
Umamin naman si Taniguchi sa kanyang ginawa at sinabing ibinebenta niya sa isang sanglaan ang kanyang mga nabibili online upang ipangtustos sa kanyang mga pang-araw-araw na gastusin.
Hindi naman masasabing genius si Taniguchi dahil mabilis siyang nahuli ng mga awtoridad matapos niyang gamitin ang kanyang home address sa pagbili niya online.
- Latest