^

Punto Mo

‘Linawin’, kasinungalingan ni Papa G

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Agence France-Presse

STORY telling a lie ang gustong iparating ng isang epal na si alyas Papa G sa kanyang mga superior sa trabaho porke pinalalabas nito na ang mga Immigration sa NAIA T3, ang humuli kay Jennifer Erin Talbot ang Amerikanang bebot na nagtangkang ipuslit ang 6 day old baby boy sa sa paliparan papuntang US of A via Narita, Japan.

Sabi nga, sinungaling ang istoryang gustong palabasin! Eh, sino ang nakatuklas ng palusutan blues?  Sagot - Ang mga airline staff at security sa final boarding gate ng departure area ng paliparan ang siyang nakakita sa sanggol na ilalabas ng Philippines my Philippines dahil nakausli  sa oversized belt bag ang paa ng baby boy.

Dahil sa pangyayaring ito nagduda ang airline staff at nagpatawag ng immigration para sila ang kasama ng taga - Drlta Air staff ang sumita kay talbog este mali Talbot pala. Sabi nga, ito ang totoong kuento.

Matapos sng tanungan blues kay Talbot inimbitahan ng BI ang gaga at inilipat nila ito sa pag-iingat ng NAIA - NBI para sa malalimang imbestigasyon Ika nga, joint effort ang pangyayaring hulihan blues pero kundi sa airline staff nakaalis si Talbot na NAIA going to US of A.

Ika nga, ‘goodbye’ Philippines na sana ang sanggol.

Natatawa tayo dahil may credit grabber na lumutang at gumawa ng kagaguhan pa itong si alyas Papa G, ang sipsip na baklita na mabilis na umepal dahil nga, siya ang nagsabing ang BI ang humuli kay Talbot sa kanyang mga bossing? Ika nga, credit graber ang kamote sa isyu ng child smuggling/kidnapping! Ano ka ba naman alyas Papa G, masisipa ka na nga ume-epal ka pa.

• • •

‘Rocketship,’  pinauso sa Kamara 

Mistulang ‘rocketship’ sa bilis na tinapos ng House Appropriations Committee ang pagdinig sa national budget. Sabi nga, ilang araw lamang nagtagisan ng talino ang mga kongresista para ito ipasa lalo’t pinangunahan ito ni Appropriation Committee chairman Rep. Isidro Ungab.

Bakit ? Sagot - ihahabol nila ang national budget at maaprubahan ito sa Kongreso before October 4. Iniutos ni House Speaker Alan Cayetano na agahan ang debatehan blues para maaprubahan ang budget at huwag na magpatumpik-tumpik ang mga kongresista tungkol dito. Ang mahigpit na bilin ni Cayetano huwag samahan ng ‘baboy’ o pork at walang illegal insertions sa 2020 National Budget.

Sana nga ! Halos lahat ng mga vice chairman ng bawat komite ay nakipagtulungan para mapabilis ang pagpasa sa budget kaya naman tuwang - tuwa sa galak si Cayetano at malaki ang pasasalamat nito kay Ungab at sa lahat ng mga nagpuyat at nagtrabaho. Super bilis ang nangyari sa budget hearing dahil tinapos nila ito agad noong Sept 6, na kadalasan ay inaabot ito ng ikatlong linggo ng Sept.

Naku ha ! Buti na lang tapos na. Sa September 10 ang sponsorhip at floor deliberations sa HB 4228 o National Budget. Gusto nilang matapos ito sa October 4. Ika nga, work,work,work ang isinaisip ng mga kongresista para sa matiyak ang kagustuhan ni Boss Digong na safe at komportable ang life ng madlang pinoy sa Philippines my Philippines.

Ano pa ang gusto ninyo ? Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with