^

Punto Mo

Bulag sa Bahamas, sinagip sa baha ang anak na may cerebral palsy

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bulag na lalaki sa Bahamas ang sinuong ang humahagupit na Hurricane Dorian habang pasan ang anak niyang may kapansanan matapos tangayin nang malakas na hangin ang bubong ng kanilang tahanan.

Ayon kay Brent Lowe, wala na siyang ibang magawa kundi lisanin ang kanilang bahay nang unti-unti na itong winawasak ng bagyo at pinasok na ng tubig baha.

Napakahirap ng sitwasyon para kay Lowe dahil bulag siya at may cerebral palsy naman ang kanyang 24-anyos na anak at hindi makalakad.

Sa kabila ng lahat, pinasan ni Lowe ang anak at nag­lakad palabas  ng kanilang bahay.

Ang akala niya, hanggang tuhod lang ang baha ngunit ramdam niya ang tubig hanggang sa kanyang baba kaya nangamba siyang baka mas mataas pa ito sa ilang bahagi ng lansangan na kanilang lalakaran.

Kinapa-kapa lang ni Lowe ang kanilang dinaraanan at matapos ang limang minuto ay narating nila nang ligtas ang tahanan ng kanilang kapitbahay. Sa huli, in-evacuate rin sila ng mga rescue crew papunta sa ospital.

Bagamat nakaligtas si Lowe at ang kanyang anak, tuluyan namang nawasak ang kanilang bahay dahil sa Hurricane Dorian. Plano nilang makituloy pansamantala sa bahay ng kanyang mga kapatid na nakatira sa ibang bahagi ng Bahamas.

 

vuukle comment

CEREBRAL PALSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with