^

Punto Mo

73-anyos, nanganak ng kambal sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa India na nagluwal ng kambal ang sinasabing pinakamatandang nanganak.

Sitenta’y tres anyos na si Erramatti Mangayamma na taga-Andrha Pradesh nang ipanganak ang isang pares ng kambal sa pamamagitan ng caesarian section.

Dahil sa matagumpay na pagsisilang sa mga sanggol, masasabing si Erramatti na raw ang pinakamatanda na naitalang nanganak, ayon sa mga eksperto.

Ayon sa mga doktor, higit 50 taon nang kasal si Erramatti sa kanyang asawa ngunit ngayon lamang siya nagdalantao.

Sa kagustuhang magkaanak, kumuha na ng IVF treatment ang mag-asawa nang makita ng mga doktor na posible pang manganak si Erramatti.

Bagamat nasa mabuting kondisyon ang nanay at ang mga sanggol, kailangan pang obserbahan ng mga doktor si Erramatti ng 21-araw dahil sa kanyang edad.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with