^

Punto Mo

Lalaking nakasakay sa roller coaster, nasalo ang nahulog na cell phone ng kapwa pasahero

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KITA sa on-board camera ng roller coaster sa isang Spanish amusement park ang pagsalo ng isang lalaki sa nahulog na cell phone ng kapwa niya pasahero.

Ayon kay Samuel Kempf, nakasakay siya sa Shambhala roller coaster sa Port Aventura theme park nang mahulog ng isang pasahero na nakasakay sa harap niya ang iPhone X nito.

Nahulog daw sa sahig ng roller coaster ang cell phone bago ito umandar kaya lumipad na ito sa ere nang bumulusok na ang roller coaster.

Kahit nakita na niya ang cell phone nang mahulog ito sa sahig at inasahan na niya ang paglipad nito sa ere ay nagulat pa rin si Kempf nang magawa niya itong saluhin.

Kuhang-kuha ang mabilis na pagsalo ni Kempf sa camera na ipinuwesto sa roller coaster upang hulihin ang reaksyon ng mga pasahero kapag bumulusok na ang kanilang sinasakyan.

Hinanap naman ni Kempf ang may-ari ng cell phone at ibinalik ito matapos silang bumaba sa roller coaster.

Sa tuwa ng may-ari ng cell phone ay niyakap daw siya nito at binayaran ang video ng kanyang pagsakay sa roller coaster.

 

vuukle comment

PASAHERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with