^

Punto Mo

100 aso, iniligtas ng babae sa Bahamas mula sa bagyo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HALOS 100 asong kalye sa Bahamas ang nakatakda sanang harapin ang paparating na Hurricane Dorian sa lansangan kaya mabuti na lang at may isang dog lover ang nagkusang kupkupin sila sa kanyang bahay.

Pinatitira ngayon ni Chella Phillips ang 100 aso sa kanyang bahay sa Nassau, Bahamas habang nanalasa na ang Hurricane Dorian doon.

Sa kuwarto pa lamang niya ay 79 na sa mga aso ang namamalagi ayon sa isang post Facebook.

Bagama’t hindi na makontak si Philipps sa kasalukuyan dahil sa kawalan ng kuryente sa kanilang lugar ay nagagawa pa rin niyang mag-share ng litrato ng kanyang bahay na punong-puno ng mga aso sa social media.

Makikita sa larawan ang pagsisiksikan ng mga aso, na ayon sa post ni Phillips ay nanatiling kalma sa kabila ng paghagupit ng bagyo.

Sa sobrang babait daw ng mga aso ay ni isa ay walang nagtangkang sumampa sa kanyang kama.

vuukle comment

CHELLA PHILLIPS

HURRICANE DORIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with