^

Punto Mo

Patuloy sa pagsupil sa mga tiwali sa PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Patuloy ang ginagawang puspusang internal cleansing ng pamunuan ng PNP sa kanilang hanay.

Partikular na tinututukan ngayon, ayon nga kay PNP chief General Oscar Albayalde ay ang nasa 727 pang parak na nasa kanilang drug watchlist. Kabilang nga rito ang mga adik o gumagamit ng ilegal na droga, sangkot sa pagbebenta at protector sa drug trade sa bansa.

Habang nasa 391 aktibong mga pulis naman ang nasa listahan ng drug personalities ni Pangulong Digong.

Hindi nga ba’t kahapon lamang ay iniharap ng pamunuan ng PNP ang pulis na si Patrolman Leo Valdez na nadakip sa isinagawang drug-bust. Bukod umano sa gumagamit eh nagtutulak pa umano ito ng droga na nakunan pa ng video na gumagamit at bangag na bangag kaya nga nag-init ang ulo ni Gen. Albayalde.

Ang 727 na mga pulis sa drug watchlist ay sinasabing mga aktibo sa serbisyo na ito nga ang kasalukuyan nilang binabantayan.

Bukod diyan, nasa 200 na tiwaling pulis ang nauna nang nasakote ng PNP-Integrity Monitoring Group. Sangkot ang mga ito sa ibat-ibang ilegal na aktibidades o katiwalian.

Mahigpit ang ginagawang surveillance sa mga ito na bahagi ng isinasagawang paglilinis sa hanay ng pulisya.

Kung si chief PNP lang ang masusunod, ang mga nag-AWOL na pulis ay ayaw na sana niyang ibalik sa serbisyo.

Yun iba umaapela sa Regional Appelate Board ng NAPOLCOM na siyang nagdedesisyon sa pagbabalik ng mga ito dahil sa mga teknikalidad.

Kaya tiniyak ng PNP chief na mahigpit na ipapatupad ang mga tama at maingat na pagproseso para matiyak na hindi na makakabalik sa serbisyo ang mga tinanggal na tiwaling pulis.

Mahaba pa marahil ang tatakbuhin para sa tuluyang paglilinis, pero ang importante nasimulan na at unti-unti nang nawawalis ang mga pasaway at tiwali.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with