^

Punto Mo

Lalaki, pina-landing mag-isa ang eroplano nang mawalan ng malay ang flight instructor

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LITERAL na naiwan sa ere ang isang lalaki sa Australia sa kanyang kauna-unahang flying lesson.

Napilitan si Max Sylvester na palapagin mag-isa ang Cessna plane na kanyang sinasakyan matapos mag-black out na lang bigla ang piloto ng eroplano na siya ring flight instructor niya.

Walang nagawa ang mga asawa’t anak ni Sylvester kundi manood na lang habang siya ay dinidiktahan ng air traffic kung paano niya ligtas na mapapalapag ang kanyang eroplano sa Jandakot airport sa Perth, Australia nito lamang nakaraang Sabado.

Humingi kaagad si Sylvester ng saklolo sa air traffic control nang bigla na lang sumalampak ang kanyang instructor at hindi na nagising.

Tinanong muna si Sylvester kung marunong ba siya sa pagpapalipad ng eroplanong sinasakyan niya. Sinabi naman ni Sylvester na iyon ang una niyang flying lesson at hindi pa siya nakakapag-land ng eroplano kahit kailan.

Agad naman siyang tinuruan ng air traffic control na nagsabing ang unang bagay na kailangan niyang gawin ay siguraduhing pantay ang mga pakpak ng eroplano.

Sinabihan din siyang panatalihin ang taas ng eroplano at padaanin ito sa itaas ng runway upang maging pamilyar na sa kanya ang lalapagan niya.

Matapos ang beinte minutos sa ere ay nagawa namang palapagin ng ligtas ni Sylvester ang eroplano.

Agad dinala sa ospital ang instructor na ngayon ay nasa stable nang kondisyon.

Para sa kanyang nagawa ay iginawad kay Sylvester ang kauna-unahan niyang solo flight certificate mula sa kompanya ng kanyang instructor na Air Australia International.

Ayon sa Air Australia International owner na si Chuck McElwee, buti na lang at naging maayos ang kooperasyon ni Sylvester at ng personnel sa control tower kaya hindi humantong sa trahedya ang lahat.

vuukle comment

MAX SYLVESTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with