^

Punto Mo

Tokhang surrenderee, nagpapakampi sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Noong naihalal si Pangulong Rodrigo Duterte, taong 2016, ay naipatupad ang Oplan Tokhang. Proyekto ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

Parte ng proyektong ito ay ang pagbisita ng mga awtoridad sa mga bahay ng mga pinagsususpetsyahang gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga upang kumbinsihin silang itigil na ang masama nilang bisyo.

Pero etong lumapit sa aming Action Center, isang dating tokhang surrenderee. Natatakot nang umuwi sa kanila sa Batangas dahil pinagba-bantaang tutugisin daw ng kanilang barangay. Wanted umano nang dahil sa droga.

Kwento ni Lloyd, taong 2016 ay napasama siya sa drug watchlist sa kanilang barangay kaya minabuti niyang mag-surrender na lamang. Taong 2018 naman ay natapos niya ang 12-week recovery program para sa kanilang mga drug surrenderee.

Matapos nito ay nagpasya siyang manirahan na lamang sa Novaliches, Quezon City upang doon na lamang maghanap-buhay. Isang taon ang lumipas at gusto na niyang lumuwas muli sa Batangas ngunit natatakot sa pagbabanta ng kanilang Brgy. Chairman na si Alex Manalo.

Nagbanta pa raw ang konsehal nila na si Ramil Almario na sa oras na tumapak siya sa kanilang lugar ay ipadadampot ito at ikukulong ng dalawang linggo kung hindi makakapag-piyansa.

Pagtataka ni Lloyd, ngayon pa siya huhulihin kung kailang nakapagbago na siya.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng mga kolokoy na ‘to “surrenderee” e wala naman palang warrant of arrest na nakahain kay Lloyd at hindi rin naman siya humarap sa piskalya.

Tingin ko, pa-pogi lang to ng mga barangay officials na ito. Mga pa-epal na nagpapabango ng pangalan noong bago pa lang ang administrasyong Duterte.

Upang magka-alaman na, tinawagan ko on-air si Brgy. Chairman Alex. Noong tanungin ko naman kung paano nila nalamang drug dependent ang mga sinasabi nilang surrenderees, hindi alam ang isasagot. Tiklop! Walang palang basehang medikal!

Dalubhasa dapat ang sumusuri kung drug addict nga ba ang mga taong ‘to. Bakit mo huhulihin ng wala kang sapat na ebidensya?

Kulang-kulang yata ‘tong si Konsehal Ramil Almario at may nalalaman pang pagkulong ng 2 weeks. Gusto yata niyang siya makasuhan ng illegal detention. Palibhasa utak epal!

Hamon ko kay Chairman Alex Manalo, aysuin ang problema ni Lloyd upang hindi na matakot bumalik sa kanila sa Mabini, Batangas.

Hindi sa pumoprotekta ako ng mga drug addict. Ang akin lang, idaan niyo sa tamang proseso ang paghuli niyo! Hindi uubra yung mga zarzuela niyong pananakot ng tao para lang magpapansin sa mga nasa itaas.

Kami sa BITAG Pambansang Sumbungan, galit sa mga gumagamit ng iligal na droga. Pero mas bwisit kami sa mga opisyal ng gobyerno na ginagamit ang mga drug addict para magpa-epal!

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with