^

Punto Mo

12-talampakang semento para sa nabaling paa, ginawa ng ospital sa Chicago

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ospital sa Chicago ang nakapagtala ng bagong Guinness world record sa pamamagitan ng paglikha ng isang orthopedic cast na 12 talampakan ang haba at 5 talampakan ang lapad.

Ayon sa Northshore Orthopaedic & Spine Institute, kakasya ang semento sa paa ng isang tao na 78 talampakan ang tangkad.

Ayon sa ospital, ginawa raw nila ito upang mamulat ang publiko sa pag-aalaga sa ating mga buto.

Ipineresenta naman ng Guinness World Records sa ospital ang certificate na nagpapatunay na ang semento sa paa nga ng ospital ang pinakamalaki sa buong mundo.

Katulad ng nakagawian kapag may mga kaibigan tayong nakasemento ang bali ay iniimbitahan ng ospital ang publiko na pumir­ma sa dambuhalang orthopedic cast na kanilang ginawa.

vuukle comment

NORTHSHORE ORTHOPAEDIC & SPINE INSTITUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with