^

Punto Mo

Lalaki sa Canada, nailihim ng 10 buwan ang pagkapanalo ng $60-m sa lotto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Vietnamese refugee na nag-alaga ng iisang kombinasyon ng lottery numbers simula ng siya’y nag-migrate sa Canada 36 taon na ang nakararaan ang nanalo ng $60 million (katumbas ng P2.3 bilyon) jackpot, ngunit inilihim niya ito sa lahat sa loob ng 10 buwan.

Nito lamang nakaraang Miyerkules kinubra ng 55-anyos na si Bon Truong ang premyo sa Edmonton, Alberta.

Ayon kay Truong, pinag-isipan niya muna ang mga maaring epekto ng bigla niyang pagyaman sa buhay niya at kanyang pamilya kaya minabuti niyang pansamantalang itago muna ang lotto ticket sa isang kaha de yero.

Ngayong nakapag isip-isip na siya ay babayaran daw niya ang utang nila sa bahay at magbabakasyon daw sila ng kanyang pamilya. Sa kabila rin daw ng pagiging mil­yonaryo, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtatrabaho niya bilang hardinero.

Binili raw ni Truong ang lotto ticket sa isang casino at ang mga tumamang numero ay kombinasyon ng mga petsang mahahalaga sa buhay niya.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with