^

Punto Mo

Lalaki sa India, walang tigil na nagbasa sa loob ng 27 oras!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang nagbasa nang walang tigil sa loob ng 27 oras at limang minuto upang makapagtala ng bagong Guinness World Record.

Kailangan lang ng taga-Uttar Pradesh na si Allauddin na magbasa nang tuluy-tuloy ng 24 oras at limang minuto upang makapasok sa record books ngunit hinigitan pa niya ito ng tatlong oras.

Sinimulan ni Allauddin ang kanyang walang tigil na pagbabasa noong Agosto 25 ng 10:07 ng umaga at tinuluy-tuloy na niya ang pagbabasa nang walang pahinga hanggang 1:07 ng hapon ng sumunod na araw (Agosto 26).

Sa tindi ng focus ni Allaudin, ni hindi niya iniba ang posisyon ng kanyang pagkakaupo sa buong panahon na siya ay nagbabasa.

Ayon naman kay Allaudin, ginawa raw niya ang world record attempt upang maipagmalaki siya ng kanyang pamilya kahit sila ay mahirap lamang.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with