^

Punto Mo

Eroplano sa Russia, nag-emergency landing sa taniman ng mais

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIMALANG nakaligtas ang lahat na sakay ng isang eroplano sa Russia matapos masira ang mga makina nito nang tamaan ng mga ibon at mapilitang mag-crash land sa isang taniman ng mais.

Papuntang Simferopol, Crimea ang Airbus A321 nang bumangga ang ilang ibon sa mga engine nito ilang minuto lang matapos umalis sa Zhukovsky Airport sa Moscow.

Dahil wala nang oras upang bumalik, napilitan ang piloto ng eroplano na si Damir Yusopov na mag-landing sa isang taniman ng mais na isang kilometro lang ang layo mula sa airport.

Bagama’t nasaktan ang karamihan sa 226 na pasahero, wala namang malubha sa mga ito kaya itinuturing pa rin na himala ang naging pag-landing ng eroplano.

Matatandaang may kaparehong insidente na nangyari sa New York, 10 taon na ang nakakaraan nang mag-emergency landing din ang isang pampasaherong eroplano sa gitna ng Hudson River. Tinaguriang “Miracle in the Hudson,” nakaligtas ang lahat ng pasahero ng eroplano at itinu­ring na bayani ang piloto nito.

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with