^

Punto Mo

‘Gay’ penguins, nag-ampon ng inabandonang itlog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa kagustuhan na magkaroon ng anak, isang pares ng “gay” penguins sa isang zoo sa Germany ang umampon sa isang itlog na inabandona ng kapwa nila penguin.

Naobserbahan ng mga namamahala sa zoo na sa sobrang determinado ng “same-sex couple” na sina Skipper at Ping na magkaroon ng sariling sisiw na aalagaan, sinusubukan umano ng mga ito na pisain ang isang bato sa pag-aakalang itlog ito.

Nagkataon namang ina­bandona ng nag-iisang babaeng penguin sa zoo ang kanyang itlog at ito ngayon ang inaalagaan ng dalawa.

Ayon pa sa mga namamahala sa zoo, “model pa-rents” daw ang dalawang penguins, na nagsasalitan sa paglimlim sa itlog sa pamamagitan ng paglagay nito sa ilalim ng kanilang mga paa.

Ngayon daw ay mahigpit na binabantayan ng dalawa ang ampong itlog sa mga kapwa nila penguin sapagkat maari itong agawin sa kanila.

vuukle comment

ITLOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with