^

Punto Mo

STL, magbubukas na!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

GOOD news para sa mga gambling afficionado. Magbubukas na ang Small Town Lottery (STL) sa susunod na mga araw kaya mabubusog na ang pagkasabik n’yo. Pinatawag kasi sa Palasyo noong Martes ang lahat ng franchisee ng STL at isa-isang kinausap sa panibagong alituntunin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa sugal.

Ang hinihintay na lang ay ang go signal ni President Digong na mukhang pabor na ring buksan ang STL sa pangambang luminya pa sa droga ang mga trabahador nito dahil sa gutom. Araguuyyy! Matatandaan na pinasara ni Digong noong Hul­yo 26 ang STL, Lotto, Peryahan ng Bayan at Keno matapos matantiya na ginagawang gatasan lang ang mga ito ng PCSO officials.

Ibinalik ang lotto tatlong araw makalipas dahil transparent ang takbo nito at kasunod na rito ang STL. Wala pang balita tungkol sa PNB at Keno. Araguuyyy! Kung may good news meron ding bad news, ‘di ba mga kosa? Ang bad news ay hindi papayagang magbukas ang STL franchise na may milyones na utang sa PCSO.

Sinabi ng mga kosa ko na aabot sa P11.7 bilyon ang utang ng mga tiwaling STL operators sa PCSO subalit mukhang di kaya ni PCSO Gen. Man. Royina Garma na singilin sila dahil nagtatago sila sa TRO ng korte. Tumpak! Hak hak hak! Ang karamihan sa mga hindi papayagang magbukas ay mga franchise ng mga retired police at military generals na ginoyo lang ang PCSO, ‘di ba mga kosa?

Napag-alaman pala ni Garma na pinaliit ng sobra ng mga STL franchise owners ang kanilang tinatawag na Presumptive Monthly Receipt (PMRR) para mas malaki ang kikitain nila. Halimbawa sa Pangasinan, ang kubransa dati ng sa jueteng ay aabot sa P25 milyon, sa Batangas ay P22 milyon samantalang sa Laguna ay P18 milyon. Kada araw yan mga kosa ha? Kung tutuusin, sana mas malapit sa kubransa ang ideklara ng STL financiers sa kanilang PMRR dahil ang 10 percent nito ay mapupunta sa PCSO para pondohan ang kanilang mga proyekto sa mga mahihirap at may sakit.

Subalit ang ginawa ni Don Ramon Preza sa Laguna ay P5.4 milyon lang ang dineklara na PMRR kaya aabot lang sa P54,000 kada araw ang babayaran niya sa PCSO. Subalit bino-bookies ni Don Ramon at iba pa ang P10 milyon sa kubransa at ang 10 percent nito ay napupunta sa mga janitor ng PCSO. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hinihintay talaga ng madlang people kung sinu-sino itong mga PCSO officials na kakasuhan ni Digong dahil tiyak sila ang nagtamasa sa baluktot na STL, di ba mga kosa?

Dito pala sa STL mga kosa ay may dalawang pagpipilian ang mga financiers kung patatakbuhin ito ng 1-38 o 1-40 na kumbinasyon. Sa 1-38 na numero, may 1,444 pagkataon kang manalo, samantalang sa 1-40 numero naman ay 1,600. Kaya’t mas madaling tumama sa 1-38 keysa sa 1-40. Get’s n’yo mga kosa?

Ang pisong taya sa 1-38 ay tatama ng P800 samantalang sa 1-40 ay P900. Sa larong jueteng mga kosa, 1-37 lang ang numero kaya 1,369 tsansa na manalo ang mananaya kaya gusto ito ng kalye. Malalaman sa susunod na mga araw kung ano ang bagong patakaran ng PCSO sa pagbabalik ng STL. Stay tuned lang mga kosa? Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with