^

Punto Mo

EDITORYAL - Paramihin ang ani, tulungan ang mga magsasaka

Pang-masa
EDITORYAL - Paramihin ang ani, tulungan ang mga magsasaka

MAYROON nang bagong kalihim ang Department of Agriculture sa katauhan ni William Dar. Siya ang ipinalit ni President Duterte kay Emmanuel Piñol na itinalaga namang pinuno ng Mindanao Development Authority.

Hindi na bagito sa departamento si Dar sapagkat pinamunuan na niya ito noong 1998-1999 sa ilalim ng Estrada administration. Naging presidential adviser on food security rin siya ni Estrada. Nagtapos siya ng kolehiyo sa UP-Los Baños, Laguna at may doctoral degree din sa nasabing unibersidad. Malawak ang kanyang kaalaman at inaasahang mahihigitan pa ang ginawa ni Piñol sa loob ng tatlong taong pamumuno rito.

Malaking hamon kay Dar ang pagpapaunlad sa agrikultura at magagawa lamang ito sa pakikisalamuha niya sa mga magsasaka mismo. Kailangang malaman niya kung ano ang mga problema ng magsasaka at ang kalagayan sa kabukiran. Imposibleng mapaunlad ang sakahan kung hindi magtutungo sa linang ang namumuno. Kailangang madama ng namumuno ang totoong nangyayari sa kabukiran para makagawa siya ng mga paraan para masolusyunan ang problema.

Sa panahon ni Piñol, dumanas ang bansa ng kakapusan sa bigas at nagmahal pa. Nasimot din ang stock ng NFA rice at ang resulta, lumobo pang lalo ang presyo ng commercial rice. Halos walang mabili ang mamamayan. Ang dating NFA rice na ang presyo ay P39.00 ang kilo ay naging P42.00. Walang masulingan ang mga kakarampot ang suweldo, hindi makasapat ang kanilang kinikita sa biglang pagtaas ng bigas.

Paunlarin ni Dar ang agrikultura. Pasaganain niya ang ani. Kung sagana sa bigas ang bansa, hindi na matutuliro ang mamamayan kung saan bibili. Kung maraming bigas, hindi na aangkat pa sa Thailand, Vietnam at China.

Noong nakaraang taon, nag-alok ng tulong ang Japanese government para sa pagpapaunlad ng mga magsasakang Pinoy, sana magpatuloy pa ito. Kaila-ngang mabuhusan ng tulong ang mga magsasaka. Bigyan sila ng mga binhi ng palay na madaling anihin at agad napapakinabangan. Iprayoridad ang paggawa ng irigasyon na kailangan ng magsasaka sa pagtatanim.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

WILLIAM DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with