^

Punto Mo

Huwag makipagkutsabahan sa panloloko!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAGLIPANA ang mga mapagsamantala na ang layunin ay manloko. Kadalasang mga biktima ay mga inosenteng kababayan na galing probinsya na gustong makapagtrabaho sa ibang bansa.

Mga boss, katulad lang din ng pag-a-apply ng trabaho sa Pinas, may tamang proseso kung gustong makapunta at makapagtrabaho abroad.

Kung nagdududa sa proseso ng ahensiyang inaaplayan, mabu-ting ipaberipika sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung lisensiyado nga ba ang ahensiya. Para sa oras na magkaaberya, madaling matutunton ang employer at ang OFW sa ibang bansa.

Kung minalas at kumagat sa pain ng iligal na ahensiya, siguradong peke ang mga dokumentong ibibigay sa’yo. Tiyak, madadale ka ng Immigration at ng National Bureau of Investigation (NBI) pagdating sa airport.

Tulad ng lumapit sa Bitag Action Center na isang dating OFW na nagpapatulong na makuha ang kanyang passport sa NBI-International Airport Investigation Division sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Oktubre 4, 2016, papunta sanang Dubai ang dating OFW nang harangin siya at i-hold ang kanyang mga dokumento sa airport. Ayon sa sumuri, peke ang mga dokumentong iprinisinta ng ginang na iprinoseso umano ng pinasukan niyang ahensiya.

Ora mismo, inimbestigahan ng Bitag Strike Force ang Access Africa Human Resources Agency na magpapalipad sana sa nagrereklamo papuntang Dubai noong 2016.

Napag-alaman ng BITAG mula sa POEA-Anti-Illegal Recruitment Department, taong 2017 pa nang ikansela at ipasara nila ang nasabing ahensiya.

Dahil dito, sinamahan ng BITAG Strike Force ang nagrereklamo kay Attorney Manuel Dimaano, Hepe ng NBI-International Airport Investigation Division sa Ninoy Aquino International Airport, upang personal silang mag-usap.

Ipinaliwanag ni Attorney Dimaano sa nagrereklamo na hindi basta-bastang inire-release ang mga dokumentong hino-hold nila. Sinusuring maigi kung ang taong nakapangalan sa mga dokumento ay may kakayahang mameke o kung siya ay biktima lang din ng mga mapagsamantalang recruiter.

Sa huli, naibalik din sa nagrereklamo ang kanyang passport. Siya’y biktima lang din ng mga putok sa buhong recruiter na walang ginawa kundi manloko’t mamerwisyo ng kapwa.

Magsilbi sana itong babala sa mga nagbabalak mangibang bansa. Kung napapansin n’yong hindi dumadaan sa tamang proseso ang inyong application, magduda na.

Lumapit agad sa lehitimong ahensiya tulad ng POEA para malaman ang wastong proseso. Huwag na huwag makipagkuntsabahan sa panloloko dahil kayo ang mananagot sa batas kapag inabot ng malas.

Tinututukan at mas hinihigpitan na ng NBI ang mga lumalabas ng bansa lalo kung ang gamit ay tourist visa. ‘Yung iba kasi, ginagamit ang tourist visa para makapasok sa bansang banyaga at dun magta-trabaho.

Pagkatapos pag nagka-problema ang OFW, hirap nang ma-trace dahil nakapasok sa pamamaraang iligal. ‘Yan ang madalas mangyari kaya sa Pambansang Sumbungan ang kanilang takbuhan.

vuukle comment

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with