^

Punto Mo

EDITORYAL - Nararapat pangalanan ang mga korap sa PCSO

Pang-masa
EDITORYAL - Nararapat pangalanan ang mga korap sa PCSO

SA bibig mismo ni President Duterte nanggaling na 10 opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang sangkot sa corruption at papa­ngalanan umano niya ang mga ito. Hindi naman sinabi ng Presidente kung kailan niya ihahayag ang mga pangalan ng 10 korap pero sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa lalong madaling panahon ay papangalanan umano ang mga ito. Maaa-ring ngayong linggong ito ay mahahayag na ang mga nagpahirap sa PCSO.

Ang 10 opisyal na sangkot sa corruption ang dahilan kaya sinuspende ang operasyon nang lahat ng games na pinatatakbo ng PCSO. Inalis ang suspension noong Lunes ng gabi subalit ang lotto lamang ang pinayagang makapag-draw. Ang larong Keno at mga laro sa ilalim ng franchise na STL at Peryahan ng Bayan ay nanatili pa ring suspendido. Umano’y    sa mga nabanggit na laro nakitaan nang malawakang corruption kaya hindi pa pinapayagang maipagpa-tuloy ang laro.

Nararapat lamang na malaman ang pangalan ng mga sangkot na opisyal. Karapatang mabatid ng mamamayan ang mga nasa likod nang nangyayaring katiwalian. Nararapat ding maparusahan ang mga ito kapag napatunayan. Hindi sapat na alisin lamang sa puwesto. Hindi makatwiran na sisibakin lang ang mga nagnakaw sa kaban ng bansa. Ang PCSO ang pinagkukunan ng pondo para sa Universal Health Care ng pamahalaan. Nararapat mabulok sa bilangguan ang mga kumulimbat sa pondo ng PCSO.

Ang mga itinuturong nasa likod ng corruption ay mga retiradong opisyal ng AFP at PNP. Kung paano nila nagagawang nakawan ang PCSO ay kasalukuyan pang iniimbestigahan. Sabi naman ni Sen. Panfilo Lacson, nakokorner ng mga retired AFP at PNP officials ang franchise ng Small Town Lottery. Sa halip na sa kaban ng gobyerno mapunta ang kita ng STL, sa bulsa ng mga retirado nasusiyut.

Massive corruption ang nangyayari sa PCSO. Harinawang ganap na mawalis ang katiwalian sa nasabing tanggapan para naman hindi masimot ang pinagkukunan ng biyaya ng mga nangangailangan ng tulong.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with