^

Punto Mo

Pares ng sneakers na ginawa para sa 1972 Olympics, naibenta sa halagang $437,500!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG rare na pares ng sapatos na gawa ng Nike ang nakapagtala ng world auction record ayon sa New York auction house na Sotheby’s.

Ang kolektor na si Miles Nadal ang nakakuha sa pares ng sneakers sa presyong $437,500 (katumbas ng P22 milyon) ayon sa Sotheby’s.

Pambihira ang sneakers dahil isa lamang ito sa 12 pares na ginawa mismo ng co-founder ng Nike na si Bill Bowerman para sa 1972 Olympic Trials. Natatangi rin ang pares dahil hindi ito naisuot kailanman.

Plano ni Nadal na i-display ang rare na sneakers sa kanyang pribadong museo sa Toronto.

Naitala ang dating world auction record noong 2017 nang naibenta ang pares ng sapatos na sinuot ni Michael Jordan noong 1984 Olympics sa halagang $190,373 (katumbas ng P9.7 milyon).

vuukle comment

MILES NADAL

NIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with