^

Punto Mo

Walang bayad na serbisyo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG pangalan niya ay José Alberto “Pepe” Mujica Cordano, 77 taong gulang at kasalukuyang Presidente ng Uruguay. Nahalal siya noong 2009 Presidential election at nagsimulang magsilbi noong March 1, 2010. Tinagurian siyang “el presidente mas pobre” (translation: “poorest president”). Pinaniniwalaang siya ang pinakamahirap na Presidente sa buong mundo ngunit nakuha pa niyang ipamigay sa kawanggawa ang 90 percent ng kanyang suweldo. Tumatanggap siya ng $12,500 kada buwan pero ang kinukuha niya lang ay $1,250. Sabi niya, “Tama na sa akin ang halagang iyon. Mas marami pang Uruguayans ang nabubuhay sa kahirapan at nangangailangan ng tulong.”

Wala silang anak ng kanyang asawa na nagsisilbi namang senador sa kasalukuyan. Ang ilang porsiyento ng suweldo ni misis bilang senador ay napupunta rin sa kawanggawa. Nakatira lang sila sa isang simpleng farmhouse. Ang tanging maipagmamalaki niyang yaman ay ang kakarag-karag niyang Volkswagen Beetle na ang halaga ay $1,945. Siya ay walang bank account at lalong walang utang. Bukod sa kanyang asawa, ang isang nilalang na nagbibigay sa kanya ng kaligayahang hindi mababayaran ay ang kanyang asong si Manuela.

Mayroon silang taniman ng mga bulaklak na pinagkakakitaan nila. Siya ay isang vegetarian. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang Uruguay ay pumuwesto sa “least corrupt country” sa buong mundo. Ang dalawang naging presidente na hindi rin kinukuha ang kanilang suweldo at sa halip ay dumidiretso sa kawanggawa ay sina Ex-U.S. Presidents John F. Kennedy at Herbert Hoover. Si Hoover ay laki sa hirap pero ayaw niyang tumanggap ng suweldo dahil naniniwala siyang “public service” ang pagiging pangulo ng bansa. At kapag sinabing public service, iyon ay pagsisilbi nang walang bayad.

vuukle comment

ELECTION

JOSé ALBERTO MUJICA CORDANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with