^

Punto Mo

Sugar Mommy (87)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makapagbihis si Jericho, lumakad na sila ni Leo. Pasado alas otso na noon ng umaga. Biyernes noon at wala silang pasok.

“Saan bang lugar ang birthday party, Leo?’’

“Sa villa na nasa likod ng isang malaking ospital sa may New Airport Road. Dun ang housing ng mga nurses.’’

“Bakit araw ang party?’’

“Hindi naman talaga matatawag na party kundi salu-salo lang ng mga magkakaibigan. Yung may birthday ay dati kong kaklase sa high school na na-meet ko rito. Nurse siya at ang misis niya ay nurse rin. Sa villa nila gagawin ang salu-salo. May kaunting pagdarasal bago simulan ang salu-salo. Mga saradong Katoliko ang mag-asawa kaya dasal-dasal muna. Wala namang problema sa’yo ano Jericho dahil Katoliko ka rin di ba?’’

“Oo. Mabuti nga at makapagdasal. Nasasabik na rin akong magsimba.’’

“Okey ka pala e. ‘Yung nurse na ipakikilala ko sa iyo, kaibigan ng may-ari ng villa. Madalas dun ang nurse.’’

“Hindi ako alangan?’’

“Sus, guwapung-guwapo ka paano ka maaalangan?’’

“Kasi nurse.’’

“Ano naman?’’

Napangiti na lang si Jericho.

Nang nasa taxi na sila, patuloy pa rin ang kuwentuhan nila.

‘‘Di ba bawal ang pag­titipon dito na may kinalaman sa relihiyon?’’ tanong ni Jericho.

‘‘Bawal talaga.’’

“Paano kung mahuli tayo habang nagdadasal sa villa ng kakilala mo.’’

“Hindi. Safe dun. Ma-tagal na kaming nagdadasal dun wala namang nangyayari.’’

Napatango na lang si Jericho.

Nakarating sila sa villa na nasa likod lang ng ospital.

Marami nang tao sa villa na nasa third floor nang dumating sila. Nakita agad ni Leo ang nurse na ipakikilala kay Jericho.

“Ayun ang nurse na ipakikilala ko sa’yo. Ang ganda ano?’’

“Oo.’’

‘‘Halika at ipakikilala kita.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with