^

Punto Mo

Sugar Mommy (86)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BINATA ka naman at sabi mo e wala kang siyota, kaya okey lang na manligaw dito,” sabi ni Leo.

“Baka kasi alangan ako, Leo. Mekaniko lang ako at nurse ang ipakikilala mo.’’

“Hoy huwag mong maliitin ang trabaho mo at baka malaki pa ang kinikita mo sa mga nurse. ‘’Yan ang huwag mong iisipin na parang minamaliit ang sariling kakayahan. Sa ibang bansa, kapag meka­niko ka, yan ang mga trabahong tumatabo ng pera. Yung pinsan ko sa Australia, ang yaman na. Mekaniko yun. Tapos ng automotive. Talo pa ako na nakatapos ng four year course.’’

Napatango na lang si Jericho.

May katwiran si Leo. Bakit nga ba niya tinatawaran ang kakayahan niya. Bakit minamaliit ang pagiging mekaniko.

“Kung minsan kasi yan ang mali sa kultura natin ano. Maraming minamaliit ang propesyon. Naalala ko pa yung isang kakilala ko na ikinahihiya na siya ay anak ng magsasaka. Hindi ba niya alam na kung walang magsasaka, wala ­tayong kakaining kanin. Di ba Jericho?’’

“Oo Leo. Tama ka. Hindi nga tama na maliitin ang sarili.’’

“Kaya ipakikilala kita sa nurse na kababayan ko. Maganda yun at dalaga.’’

“Sige.’’

“Wala ka namang siyota sabi mo. Yung kausap mo gabi-gabi e hindi mo naman siyota di ba?’’

Napatango si Jericho.

ISANG Biyernes na wala silang pasok, niyaya ni Leo si Jericho.

‘‘Halika, Jericho, attend tayo ng birthday party. Ipakikilala ko sa iyo ang nurse na kababayan ko.’’

“Sige. Magbibihis lang ako.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with