^

Punto Mo

Sugar Mommy (84)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAHIHIYA si Jane sa kanyang ginagawang pag-iimadyin sa kanilang dalawa ni Jericho. Siya na isang 60-anyos hiwalay sa asawa at si Jericho na 25-anyos. Halos anak na niya ito. Pero naging malikot ang imahinasyon niya. Ayaw niyang mag-isip ng malikot pero hindi niya kayang pigilan. Sumi-singit at hindi niya makontrol. Parang naging bangkang papel siya na sunud-sunuran sa kislot ng alon at agos ng tubig.

Naimadyin niya ang lalo pang pagdiin ni Jericho ng labi nito sa kanyang mga labi. Nagbabaga pa rin ang mga labi ni Jericho at wala siyang magawa kundi gantihan ang ginagawa ni Jericho. Tao lamang siya na nahuhulog sa tukso.

Hanggang naging mapa-ngahas na si Jericho. Mula sa kanyang labi, pumaibaba ang nagbabagang labi nito sa kanyang dibdib. Naghanap ang mga labi nito. Hanggang masumpungan ang hinahanap.

Ang ipinagtataka ni   Jane, bakit wala na siyang saplot. Paano nangyari iyon. Sa sobrang pagkasabik kaya? Matagal nang walang humahalik sa kanya kaya sa isip niya, hindi na niya namalayan ang mabilis na aksiyon ni Jericho. Mabilis nitong naalis ang lahat ng saplot niya!

Nasumpungan ni Jericho ang dibdib niya. Nagbabaga ang labi ni Jericho at damang-dama niya ang init.

Pagkaraan nang matagal na panahon, nakadama uli siya ng ganoong kakaibang damdamin. Napukaw agad ang kanyang pagkababae.

Kakaiba ang naranasan niyang iyon.

Jericho! Jericho!

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with