^

Punto Mo

Proteksyon sa OFWs, dapat lang matutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto ha, dapat ng kabahan ang mga illegal recruiter na talaga namang nagpahirap sa marami nating mga kababayan na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa  para sa kanilang mga pamilya.

Sila ngayon ang target na kalusin ni Pangulong Digong at tapusin na ang kanilang pamamayagpag.

Ito ay sa pamamagitan nang mahigpit na kautusan ng Pangulo na maitayo sa taong ito,  ang Department of Overseas Filipinos o ang departamento para sa OFWs .

Sa ilalim ng panukala, bawal na umano ang recruitment sa labas, kundi ang pamahalaan na ang tututok sa pangangailangan ng isang OFW na walang mga kaukulang charges o mga bayarin.

Kadalasang nabibiktima ang marami nating kababayan ng mga taong mapagsamantala.

Madalas pa nga na nakikipagsapalaran sa pag-utang ng malaking halaga ang isang nagnanais magtrabaho sa abroad kundi man nagbebenta pa ng kanilang mga ari-arian na sa huli eh hindi naman pala makakaalis at ang perang ibinayad sa pagproseso kuno ng mga papeles ay nawalang parang bula na lamang.

Hinuthot ng mga mapagsamantala.

Hindi mabilang ang ating mga kababayan na nabiktima ng mga ito, meron namang legal na recruitment eh sa rami ng sinisingil sa isang nag-aaply eh mukhang taon pa para mabawi sakaling nagkatrabaho nga sila sa ibang bansa dahil sa laki ng mga hinihinging charges, may ilan kumukuha pa porsiyenton sa buwang sahod ng isang OFW.

Sa panukala ng Pangulo, magiging regulated na ang recuitment wala na ang mga sistema na sobrang nagpapahirap sa mga OFW.

Aminin man o sa hindi dumadaan sa matinding pang-aabuso ang maraming OFW na tinitiis na lang para lang makakuha ng trabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.

Sana ay maging mabilis na rin ang proseso na dadaanan at wala nang mga pasikkot-sikot na kalbaryo din ng isang nag-aaply.

Kaya eto ang babala sa hanggang ngayon ay nag-iisip kung paano makapanloloko o makakakulimbat sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng pagre-recruit eh mag-iisip -isip na at kayo dahil nakatutok sa inyo ang mata   ng gobyerno.

Maraming administrasyon na ang dumaan, pero mukhang ang ganitong mga modus at kalbaryo ng OFWs ang ngayon lamang natututukan.

Kaya nga natutuwa ang maraming OFWs na umaaasa na agad itong maaprubahan.   

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with