^

Punto Mo

Sugar Mommy (83)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SANAY nang mag-isa si Jane. Matagal nang panahon na mag-isa siyang namumuhay. Pero ngayong nakilala niya si Jericho at nakasama sa maikling panahon, parang hindi na niya kayang mag-isa. Masyado nang mabagal ang pagdaan ng oras para sa kanya. Kahit pa nagkakausap sila ni Jericho sa phone, iba pa rin talaga ang kasama ito. Makatagal kaya siya ng isang taon na hindi nakikita si Jericho? Kahit siya pa ang nagsabi kay Jericho na maikli lang ang isang taon at mabilis lang itong lilipas, mukhang siya ang hindi tatagal.

Pero ano naman ang magagawa niya? Wala pa naman silang relasyon ni Jericho at ni hindi nga siya sinagot ng tanungin niya kung mahal ba siya nito. Nagsisisi nga siya kung bakit tinanong pa ito ng ganun. Sana, kinontrol niya ang sarili. Sana nag-isip muna siya.

Pero nangyari na ‘yun. Wala nang magagawa dahil nasabi na niya. Maaaring nabigla si Jericho kaya hindi nakasagot. Siguro nga.

Magkaganun pa man, nagsabi lang naman siya ng tapat kay Jericho. Wala rin namang masama sa tanong na iyon. Gusto lang niyang malaman ang nasa puso nito.

Nag-imagine na lang siya na narito na si Jericho --- nagbabakasyon na. Ang saya niya nang makita si Jericho. Ipinagluto uli niya ito ng paboritong paella. Noong nakaraaan na ipagluto niya ito ng paella, maraming nakain. Napakasarap daw. Paborito rin nito ang embutido. Inimagine niya na iyon uli ang iniluto niya nang dumating si Jericho. Sarap na sarap na naman ito.

Inilabas uli niya ang masarap na alak na matagal nang nakatago. Ang alak ay lalong sumasarap sa paglipas ng panahon.

Inalok uli niya si Jericho na uminom sila. Pumayag naman daw si Jericho. Sabay silang nag-shot. Ahhh ang sarap nga ng alak! Maski si Jericho ay sarap na sarap din.

Nagsunud-sunod daw ang pag-shot nila.

Hanggang sa pareho na silang malasing ni Jericho.

At hindi niya inaasahan ang pagtabi sa kanya ni Jericho sa pagkaaupo. Hinawakan daw siya ni Jericho sa kamay. Pagkatapos ay inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Nagdikit iyon.

Hanggang sa hanapin daw ng labi ni Jericho ang labi niya.

Nang magtagpo ang kanilang mga labi, damang-dama niya na nagbabaga pareho ang mga ito.

Idiniin ni Jericho ang mga labi sa kanyang mga labi at gumanti siya sa mapusok nitong paghalik.

Walang ipinagkaiba ang halik ni Jericho sa ginawa nito sa kanya noon. Iyon ang hindi niya makalimutan kahit kailan. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with