^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipagbawal, paggamit ng single-use plastic

Pang-masa
EDITORYAL - Ipagbawal, paggamit ng single-use plastic

KAPANSIN-PANSIN na pagkatapos humupa ang baha sa maraming lugar sa Metro Manila, ang naiiwan sa kalsada ay mga plastic na basura. Namumulaklak sila saan mang sulok ng kalsada. Sangka-terbang plastic sachets na nagmula sa mga residente at iba’t ibang supot na plastic na ginamit ng vendors.

Karaniwang sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee, catsup, toothpaste at kasama rin ang mga plastic straws na ginagamit sa softdrinks, milktea at iba pa ang makikita. Ang mga ito rin ang makikitang umaapaw sa mga estero at canal at nagpapabara sa mga drainage na dahilan ng pagbaha.

Kung hindi lilinisin ang drainages, hindi masosolusyunan ang pagbaha dahil hindi naman nabubulok ang plastic sachets. Kahit abutin ng 10 taon o mahigit pa, hindi mabubulok o masisira ang plastic sachets. Mas matibay ang sachets kaysa karaniwang plastic bag dahil mas makunat ang pagka-plastic ng mga ito.

Kamakailan, nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single-use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila at mga karatig na lungsod at bayan. Malulunod ang mga residente sa plastic sachets at iba pang basurang hindi natutunaw. Kailangan na umano ang isang batas para rito. Hindi na dapat ipagwalambahala ang problemang ito.

Hindi lamang pagbaha ang dulot ng mga basurang plastic kundi banta rin sa buhay ng mga lamandagat. Dahil sa maling pagtatapon ng plastic, humahantong sa dagat ang mga ito at nakakain ng mga isda kabilang ang balyena. Marami nang balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. Nang suriin kung ano ang ikinamatay ng mga ito, napag-alaman na dahil sa mga nakaing plastic.

Noong nakaraang Marso, isang balyena ang sumadsad sa dalampasigan ng Mabini, Compostela Valley at namatay. Sinuri ng marine biologist na si Darrel Blatchley ang tiyan ng balyena at nakita ang 16 empty rice bags, 4 na banana plantation style bags at plastic shopping bags.

Isang batas na nagbabawal sa paggamit ng single-use plastic ang nararapat. Mayroon nang batas na ipinanukala rito at dapat itong maipasa. Hindi dapat ipagwalambahala ang problemang ito sapagkat malulunod na ang mga tao sa basurang plastic lalo ang sachets.

 

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with