^

Punto Mo

Mas taimtim na internal cleansing, inilunsad ng PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nito lamang nakalipas na linggo, ilang tauhan ng pulisya ang naharap sa iba’t ibang mga reklamo ang sinibak sa pwesto ng pamunuan ng PNP.

Ilan pa nga dyan ay nag-viral sa social media, kaya hindi maitatanggi.

Merong hindi nakapagpigil sa galit matapos singitan sa pila sa isang restaurant, meron naman na nanakit nang walang kadahi-dahilan sa isang 8-anyos na bata.

Meron pang nasangkot sa pangongotong at iba’t ibang katiwalian.

Ang lahat ng yan, eh talaga namang nakakaapekto sa imahe ng PNP na kahit pa nga sabihing mangilan-ngilan lang ang mga pasaway, ang buong command ang siyang nadadamay.

Kahapon pormal na inilunsad ng PNP isang military-like internal cleansing program na magpopokus sa values formation ng mga pulis.

Ang naturang bagong programa, ayon nga kay PNP chief General Oscar Albayalde ay magkakaroon ng tinatawag na squad concept kung saan ang itatalagang squad leader ang siyang magsasanay at magmamasid sa mga pulis na mayroong derogatory records.

Dahil nga squad concept o maliit na grupo ang kailangang mabantayan at mas masubaybayan ng leader.

Yung may mga record at yung may iba’t ibang mga paglabag ang nais nilang matutukan.

Kung ikukumpara sa naunang internal cleansing program ng PNP mas higit umano na personal at taimtim ang konsepto ng ‘squad retraining program” para sa mga pulis na may pagasa pang mabago na maliliit lamang ang naging pagkakamali.

 Binigyang diin ng PNP Chief na puspusan ang isinasagawang internal cleansing sa PNP upang disiplinahin ang hanay ng kapulisan.

 Bagamat hindi kukunsintihin ng PNP ang mga may minor offenses na pulis, hangad din naman nila na ang ibang pwedeng mapagbago ay maisailalaim  nga sa ganitong squad concept program.

Sa pinakahuling report ng PNP, aabot sa 5,000 pulis ang sasailalim sa pinakabagong internal cleansing programa ng command.

Alam ba ninyo, ayon na rin sa PNP na mula lamang Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2019 nasa 2,400 police officers na ang nadismis matapos masangkot sa ibat-ibang kasong administratibo, mahigit sa 4, 100 ang nasuspinde, 481 .

Malaki ang paniwala ng pamunuan ng PNP na sa pamamagitan ng ganitong mga programa kung hindi man lahat eh masawata ay mabawasan man lang ang mga pasaway at mahikayat ang mga ito na magbago.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with