^

Punto Mo

Sugar Mommy (78)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AKALA ko, siyota mo Jericho, ang lambing kasi ng boses mo habang nakikipag-usap, ha-ha-ha!” sabi ni Leo.

“Friend ko lang yun. Ganun talaga kami mag-usap.’’

“Pero wala ka pa tala­gang girlfriend?”

“Wala pa.”

“Sayang ang kapogian, mo, ha-ha-ha!’’

“Wala pang matipuhan, Leo.’’

“Sabagay ako man e ­medyo makunat-kunat na rin nang magka-asawa. Late bloomers yata ang tawag dun. Hindi agad ako nagkahilig magkarelasyon dahil siguro sa responsibilidad sa pamil­ya. Panganay kasi ako.’’
“Parehas tayo, Leo. Panganay din ako at kaya nga ako nakapag-Saudi ay dahil may sakit sa puso ang Papa ko. Nagbitiw na siya sa trabaho dahil hindi na makaya ang nararamdaman.’’

“A parehas nga tayo. Ako naman, nagpaaral ng kapatid. Naunahan pa nga akong makatapos ng mga pinaaral ko. Naiwan ako. Mabuti na lang at kahit paunti-unti, natapos ko ang kurso ko sa kolehiyo.’’

“Mahirap talaga ang papel ng mga panganay ano Leo?’’

“Sinabi mo pa.’’

“Kaya nga pinagbubuti ko ang pagtatrabaho at nang mayroon akong maitulong na malaki sa aking magulang.’’

“Pero huwag mong kalimutan ang sarili at baka tumandang binata ka. Baka kumunat ka e wala nang makagusto sa’yo ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Jericho.

PINAGBUTI ni Jericho ang pagtatrabaho. Ginampanan nang maayos ang pagiging chief mechanic. Maayos ang pakikitungo niya sa mga tauhan niya.

Dahil maayos ang trabaho, dumami ang customer nila at halos hindi sila nababakante sa dami ng mga nagpapagawa ng sasakyan. Nakilala sila dahil sa mahusay at mabilis na serbisyo.

Tuwang-tuwa ang manager niyang Arabo. Iba raw talaga ang Pinoy magtrabaho.

Lalo pang na-inspired si Jericho.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with