^

Punto Mo

‘Close-open’ ang human smuggling operation sa NAIA?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SABI nga, bata system ngayon ang operasyon ng human trafficking sa NAIA, kahit sarado daw ito ay tuloy pa rin ang pagpapalakad sa mga gustong magtrabaho sa abroad kahit depektibo ang mga documents nila.

Ayon sa source, isang opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA, ang tumanggap ng isang mamahaling tsikot nang regaluhan ito ng mga miembro ng human smuggling syndicate sa paliparan kamakailan.

Ibinulong sa atin ang tsikot ay isang highend Honda Civic RS fully loaded na ibinigay sa isang alyas ‘Papa M,’ ng grupo ni alyas ‘FM.’

Nauna rito, naggagalaiti sa galit ang isang immigration official sa paliparan nang hingin sa kanya ni alyas ‘Papa M’ ang parte nitong salapi na nilalagom at pinaghahatian kada isang linggo o mahigit pa sa NAIA.

Ayon sa supladitang opisyal na si Girlie ‘bukbok,’ nagtataka at nabigla daw ito nang hingin sa kanya ang kuartang parte ni alyas ‘Papa M.’ 

Ayon kay alyas Girlie ‘bukbok,’ sarado diumano ang operasyon ng human smuggling sa NAIA Terminal 2 at 3 dahil nag-aalanganin ang grupo ng mga kurap sa airport sa gagawing SONA ni Boss Digong sa July 22 sa House of Representatives.

Nangangamba ang ilang kurap officials sa NAIA-BI, baka mabanggit ni Boss Digong ang kanilang mga pangalan sa kanyang talumpati sa Kongreso.

Sabi nga, higpit sinturon muna!

Dumadagundong pa ang ingay with in BI - NAIA, na may malawakang balasahan sa mga susunod na araw pagdating ni BI Commissioner Jaime Morente from Japan?

Sinabi ng mga sumbungero, kahit sarado ang operasyon ng human smuggling sa NAIA T1 at T2 ay may mga nagpapalusot pa rin tulad ng mga ginagawang sundo - hatid sa mga Chinese nationals dito na dumarating at umaalis sa paliparan.

Ang ibang Chinese nationals ay magtatrabaho sa mga POGO. Tama ba, Mr. Dennis ‘pisngi?’

Ayon sa mga sumbungero, kamakalawa ng gabi ay may nabuking ang ilang airline representatives sa NAIA T3, na 13 passengers na peke ang mga boarding pass at pagala-gala dito na parang nag-aantay ng hudyat para sumakay ng eroplano.

Sabi ng mga madadaldal, lumagpas na sa immigration officer ang 13 passengers dahil napaluan ng ‘exit clearance’ ang kanilang mga passports.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye ang mga tsismoso pero ang 13 pekedores ay isinalin sa pag-iingat ng I-ACT para maimbestigahan.

Sabi ng mga airport observers, sana sa NAIA - NBI, sila nai-turn over para mas magkaroon ng malalimang kalkalan.

Dahil sa tindi ng human smuggling operations sa NAIA dapat tiktikan ng todo ng NAIA - NBI ang mga kurap sa BI na nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng human trafficking.

Kailangan din bantayan ng NAIA - NBI ang ilang visa reader para matiktikan nila ang lalim ng operasyon ng human smuggling sa airport.

Kambiyo issue, may mga namamasahero sa NAIA T1 para makaalis ng bansa going abroad kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Siguro dapat kilatisin ng NAIA - NBI, ang NAIA T1 departure area para masungkit nila ang mga tiwaling gago dito.

Abangan.  

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with