^

Punto Mo

Babae sa Florida, inaresto matapos magbigay ng $5,000 tip

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ARESTADO ang isang babae sa Florida matapos siyang mag-iwan ng $5,000 na tip (katumbas ng P256,000) para sa restaurant bill na umabot lamang sa $55 (P2,800).

Hinuli si Serina Wolfe dahil hindi naman pala mula sa pagiging galante ang pagbibigay niya nang napakalaking tip.

Naka-charge pala ang nakakalulang tip sa credit card ng kanyang boyfriend at ginawa niya ito upang makaganti.

Hindi raw kasi binilhan si Wolfe ng airplane ticket ng kanyang boyfriend kaya kinuha nito ang credit card ng lalaki at ginamit sa restaurant na iniwanan niya ng napakalaking tip.

Nalaman naman kaagad ng boyfriend ang ginawa ni Wolfe kaya naabisuhan nito kaagad ang credit card company at hindi na natuloy ang pag-charge sa credit card niya ng $5,000.

Dahil sa kanyang ginawang pagtsa-charge sa credit card ng boyfriend nang walang pahintulot, inaresto kaagad si Wolfe sa salang grand-theft o malakihang pagnanakaw.

vuukle comment

$5

000 TIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with