^

Punto Mo

Sugar Mommy (76)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUMILI si Jericho ng mga personal na gamit sa isang supermarket na nasa silong ng Al-Rahji Bldg at pagkaraan ay kumain ng hapunan sa isang Pilipino restaurant. Tinolang manok at pritong tilapia ang inorder niya. Nasabik agad siya sa pagkain na laging iniluluto ng kanyang mama sa Pilipinas. Nakakasawa rin ang pagkain ng kabsa kaya iba naman ang kinain niya para sa hapunan.

Makaraang makapaghapunan, umuwi na siya. Nagtaksi na siya para madaling makarating sa kanilang tirahan.

Tatawagan niya si Jane. Tiyak na naghihintay na ito sa tawag niya. Nang umalis siya, nangako siya rito na tatawag agad pagkarating.

Ipapaliwanag niya rito na naging busy siya kaya hindi na nakatawag. Sasabihin niyang itinaas agad siya ng posisyon kahit na baguhan lang sa kompanya at iyon ang dahilan kaya siya naging abala. Totoo naman ang sinasabi niya. Maski nga sa mama niya ay kailan lang din siya nakatawag. Ganundin ang dahilan niya sa kanyang mama. Naunawaan siya ng kanyang mama at umiiyak pa nang sabihin na lagi siyang mag-ingat.

Pagkarating na pagkara-ting ay tinawagan agad niya si Jane. Napansin niya ang ka-roommate na si Leo na nakahiga na at nakikipag-text. Madalas ding tumawag si Leo sa asawang nasa Pinas.

“Hello Jane?’’ sabi niya nang may sumagot sa kabila.

“Jericho?’’ gulat na gulat si Jane.

“Ako nga! Sorry ha, ngayon lang ako nakatawag. Masyado akong naging abala. Itinaas agad kasi ng posisyon. Chief mechanic na agad ako.’’

“Akala ko nalimutan mo na ako. Congrats ha? Alam kong ‘yan ang magiging kapalaran mo dahil mahusay kang magtrabaho. I know dahil nung una tayong magkita, pinatunayan mo ng ayusin mo ang aking sasakyan. Nararapat lang na ikaw ang maging hepe.’’

“Salamat. Hindi naman kita malilimutan. Ikaw pa ba ang malilimutan ko e may pinagsamahan na tayo.’’

“Salamat naman.’’

“Kumusta ka na Jane?’’

‘‘Eto nag-iisa at malungkot. Pero ngayong tumawag ka na, masaya na ako.’’

“Anong ginagawa mo ngayon?’’

“Nakahiga.’’

“Baka inaantok ka na? Anong oras na ba riyan?’’

“Twelve ng gabi. Hindi pa ako inaantok! Mamaya pang alas dos ang sleep ko.’’

“Dito e seven ng gabi.’’

“Siyanga pala Jericho, ako na ang tatawag sa’yo sa mga susunod na araw. Baka marami kang pagbayaran dahil sa pagtawag mo. Baka wala ka nang suwelduhin.’’

“Ako na lang. Malaki na ang suweldo ko dahil chief mechanic na ako.’’

“Ako na nga lang,  please. Anong oras kita tatawagan at anong araw?’’

“Ganitong oras din at kahit araw-araw.’’

“Hindi ka magsasawa?’’

“Hindi.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with