^

Punto Mo

Bakit mas masaya kung may asawa?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

May gigising at sasampal sa iyo kapag grabe na ang iyong nightmare.

Para laging may kahalikan. Lalo pa at may lumabas na mga pag-aaral na maraming health benefits ang kissing.

Mas gigising sa iyo kapag nakaka-bother na ang hilik mo.

Hindi na kailangang manood ng romantic movie para maranasan ang “romance”.

Kakaibang init ang naidudulot ng “human blanket” sa panahong malamig ang gabi.

May mambobola sa iyo kung gaano ka kaganda o kaguwapo kahit alam mong half-truth lang iyon.

Mas maganda kung ang best friend mo ay kalaro mo pa rin sa “bed”..

Mas nagiging madiskarte sa paghahanapbuhay kapag may asawa.

May mapagsasabihan ka ng iyong mga “crazy dreams” nang hindi ka pagtatawanan.

Hindi ka naman diyosa, pero may isang sumasamba.

Ang “earning power” ng dalawa ay mas mainam pa rin kaysa isa.

 You can talk dirty in bed. Kahit pa gaano ka-dirty. And yet, it’s a turn on.

Kapag nagtititigan kayong dalawa, it feels great. Hindi weird.

May kasama ka sa  pagseselebreyt ng birthday, Valentine, anniversary.

Mas mababa ang level ng depresyon ng married couple kaysa single people.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng researchers ng University of Rochester, ang may asawang sumailalim sa major heart surgery ay 3 times ang tsansa na hahaba pa ang buhay hanggang 15 years kaysa single na dumaan din sa kagayang surgery. Ito ay dahil may kapartner ang pasyente sa pag-aalaga ng kanyang kalusugan.

May lagi kang pagpapasikatan para maging “the best” sa lahat ng ginagawa.

May mauutusan kang magkuwento nang magkuwento para hindi antukin habang nagda-drive.

Priceless ang emotional support ng asawa kaya ang married cancer patient ay mas mabilis gumaling ayon sa researchers ng University of California.

May mapakikiusapan ka na tulungan kang magdasal para matupad ang isang pangarap.

 

 

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with