^

Punto Mo

Fund raising ng Sierra Madre Masonic Lodge 181, salihan!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

ANG Sierra Madre Masonic Lodge # 181 in cooperation with Paete Square and Compass Club will hold its 7th Invitational Golf Tournament ito ay sa pumumuno ni WM Jun Paygane , gagawin ito sa Caliraya Spring Golf, Bgy. Talaongan, Cavinti, Laguna.

Ang kikitain sa golf fund raising ay ibibili ng bangka este mali ay mapupunta pala sa kanilang mga bulsa este sa pagpapagawa pala ng Sierra Madre Masonic Lodge 181! 

Makipag-ugnayan po sa Chairman ng Golf Tournament na si Bro Edgar Certifico at Vice Chairman Vw Lorenzo “boy sigaw” Javier. 09178049754/09189331182  

• • • • • •

Sino ang mas kualipikado sa pagka - Speaker?

Hindi biro ang gulo ngayon sa Kongreso lalo’t may mga kongresista na nagpapakamatay para makuha ang trono bilang House Speaker at kaya naman lahat ay ginagawa ng mga kumakandidato makuha lamang ang pangarap nila.

Siguro dapat ay hindi na mangyari ang pangho-hoyo este mali hostage pala na nangyari sa National Budget kasi nga hindi birong salapi ang nawala everyday ang holiday sa pamahalaan ni Boss Digong last 2018.

Sabi nga, 1% ang umano’y nawala sa ‘gross national product’  at naapektuhan ng malaki ang proyektong pangarap ni Boss Digong tulad ng build’ build.

Ano ba ito?

Sana hindi na ito maulit lalo’t malapit ng matapos ang termino ni Boss Digong.

Ika nga, 2022!  

Bakbakan na dahil labu-labo na ang mga politiko next May 13, 2022, national erection este mali election pala .

Napakaraming gustong magsulong ng paggagago este pagbabago pala ng ‘Constitution’ o Cha-cha dahil nga alaws nangyari sa itinutulak ng ‘Federalism’ form of government.

Sabi nga, nabutata dahil supalpal!

Sa ngayon may mga pinapaputok na ‘pagpapaalis’ o pagsipa kay Boss Digong sa pamamagitan ng ‘imprechment’ dahil mainit na ang mga puwit ng mga kritiko nito.

Ika nga, pinalalaki ang usapin sa banggan blues sa pagitan ng madlang pinoy fishermen vs. Chinese na mangingisda na nangyari sa Recto reef,

Kung sino ang may kasalanan iyan ang paguusapan.

Binubukalkal ang isyu ng iwanan blues na mangingisda ng lumubog na bangkang papel este fishing vessel pala.

Kaya ang importante ay mahalaga na pumili ng maayos na lider dyan sa Kongreso na makakatulong hindi lamang sa mga kongresista kundi sa madlang people of the Philippines my Philippines.

Sabi nga, importante ang may karahasan este mali karanasan pala!

Sino ang may mga katangian nito na may kakayahan, karansan at kompentensiya na haharap sa mga problema maaring mangyari muli?

‘Yan ang dapat pag-isipan!

Abangan.

vuukle comment

SIERRA MADRE MASONIC LODGE 181

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with