^

Punto Mo

Baby sa Indonesia, pinangalanang ‘google’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAHALAGA ang pangalan para sa mga Indonesian kaya pinag-iisipan talaga ng mga magulang doon kung ano ang makabuluhang pangalan ang ibibigay nila sa kanilang mga anak.

Mukhang nasobrahan nga lang sa pag-iisip ang isang ama roon dahil pinangalanan nitong ‘Google’ ang kanyang anak na lalaki.

Ipinanganak si baby “Google” noong Nobyembre 30, 2018 mula sa kanyang mga magulang na si Andi Cahya Saputra, 31, at Ella Karina, 27.

Pinili ni Andi ang pangalang Google dahil naniniwala raw siyang aasenso ang kanyang anak kapag ipinangalan daw niya ito mula sa nasabing tech giant.

Bukod sa Google, pinagpilian din daw ni Andi ang mga pangalang Microsoft, iPhone, iOS, Windows at iba pang kilalang pangalan sa teknolohiya.

Aminado naman si Andi na marami ang may alinlangan sa pagbibigay niya ng pa-ngalang Google sa kanyang anak, kabilang na ang kanyang asawa at ama.

Ipinaliwanag naman niyang magandang pangalan ang Google dahil napakaraming tao ang natutulungan nito.

Namamangha rin daw siya na anim na buwan matapos ipanganak si baby Google, laman pa rin ito ng mga balita.

vuukle comment

GOOGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with