^

Punto Mo

Pinakamalaking hotdog sa mundo ginawa sa New York

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG gunitain ang ika-152 taon ng pagkakaimbento ng hotdog, ginawa ng isang kilalang tindahan ng hotdog sa Coney Island, New York ang pinakamalaking hotdog sa mundo.

Ginawa ng Feltman’s ang higanteng hotdog mula sa 55 kilo ng karneng baka.

Matapos ipasok ang karne sa plastic casing at pausukan ay naging hotdog na ito na may limang-talampakan ang haba.

Hindi kumpleto ang hotdog kung walang tinapay na pamamalamanan nito kaya nagpagawa ang Feltman’s ng kasinghabang hotdog bun. Sa laki ng tinapay, tumimbang ito ng 14 kilos.

Hindi lang naman world record ang habol ng Feltman’s dahil ginawa rin nila ang hotdog upang makatulong sa mga biktima ng 9/11.

Hinahati ng Feltman’s ang hotdog at ibinenta ito sa publiko. Ang nalikom na salapi ay mapupunta sa isang grupong nangangalaga sa mental health ng mga beteranong rumesponde sa terrorist attacks sa New York noong Set. 11, 2001.

vuukle comment

NEW YORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with