^

Punto Mo

EDITORYAL - Basurang itinapon ang dahilan ng baha

Pang-masa
EDITORYAL - Basurang itinapon ang dahilan ng baha

NOON pa problema na ang pagbaha sa Metro Manila. Pero ngayon ay mas matindi sapagkat kapag bumaha, kasama na ang sandamukal na basura. Lulutang-lutang ang mga basura sa ibabaw ng tubig-baha. Ang mga basura ay itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan, partikular ang mga nakatira sa pampang ng ilog, estero at kanal.

Hanggang ngayon, wala pa ring makapagpatino o makapagdisiplina sa mga taong tapon nang tapon ng kanilang basura. Namumulaklak sa mga kalsada ang mga plastic na basura. Ang ibang basura ay nanatili sa mga estero dahilan para walang madaanan ang tubig-baha. Mayroon din namang inanod patungo sa Manila Bay. Pero kapag nagsungit ang panahon, ang mga basurang nasa Manila Bay, ibabalik din ng alon sa Roxas Boulevard.

Nang umulan kamakalawa ng madaling araw, maraming lugar sa Metro Manila ang binaha. Binaha ang España Blvd., Araneta Avenue, Quezon Avenue, Recto at Rizal Avenues at pati EDSA ay binaha na rin. Ang baha at nagdulot ng grabeng trapik sa EDSA at España Blvd. Marami ang nabigla sa biglang pagbaha sa EDSA partikular sa mga tunnel sa Cubao area. At napag-alaman na kaya nagbaha sa mga nasabing lugar, dahil sa mga nakabarang basura sa daanan ng tubig. Dahil maraming basura ang nasa waterways, naipon ang tubig at umabot umano hanggang dibdib. Kahit may pumping station sa lugar hindi umubra sa rami ng mga nakabarang basura.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), bukod sa mga plastic na supot, marami ring dahon ng punongkahoy ang nakabara sa daanan ng tubig. Ayon sa MMDA, pinakamaraming nakuhang plastic na supot at mga dahon sa tapat ng Camp Aguinaldo kung saan malalim ang baha.

Kahapon, umulan na naman nang malakas at muli na namang bumaha sa Maynila at Quezon City. At gaya ng dati, basura na naman ang nakitang dahilan kaya bumaha. Barado ng basura ang mga daanan ng tubig kaya nagkaroon ng pagbaha. Bukod sa plastic na supot, marami ring sachet ng shampoo, coffee, cup ng noodles at iba pa ang nakabara.

Kailan magkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura ang mamamayan? Kung walang disiplina sa pagtatapon ng basura, asahan na ang pagbaha sa mga darating pang panahon. Wala nang katapusan ang pagbaha.

vuukle comment

BAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with