^

Punto Mo

20 Makatunaw-Pusong Kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

9. Wala sa kulay ang pagtutulungan

SI Nkosikho Mbele, edad 28 ay black African at isang gas attendant sa magulong distrito ng Cape Town city South Africa. Ang lugar ay kilalang pugad ng mga kriminal kaya’t pinapayuhan ng otoridad ang mga taong dadayo sa distritong nabanggit na huwag maglalakbay nang nag-iisa lalo na ang mga kababaihan.

Isang 24-year old na babae, white African na si Monet van Deventer ang kasalukuyang naglalakbay mag-isa gamit ang kanyang kotse sa nabanggit na magulong distrito nang mapansin niyang mauubos na ang kanyang gas. Dumaan siya sa pinakamalapit na gas station. Nagpakarga siya ng full tank kay Mbele. Ngunit ilang segundo lang ang nakakalipas nang sinenyasan niya si Mbele na ihinto ang pagkarga ng gas.

“Please stop!” pabigla ang pagkakasabi ni Monet

“Bakit po?”

“Naiwan ko ang aking wallet at credit card sa bahay. Wala akong pambayad.”

“Pero Madam, paano ka makakauwi? Hindi ka puwedeng magpaabot ng gabi rito. Marami hong loko rito. Tagarito ako kaya kabisado ko ang lugar na ito. Ako na lang muna ang magbabayad. May pera pa naman ho ako”.

Nabaitan si Monet kay Mbele. Malaking halaga rin ang ipinaluwal ng gas attendant sa kanya. Kaya kinabukasan ay muli siyang bumalik para bayaran ang utang. Ngunit hindi lang ito ang ginawa ni Monet bilang pagtanaw ng utang na loob. Nagset-up siyang crowdfunding page sa social media. Ikinuwento niya kung paano nagtiwala sa kanya si Mbele na magpautang ng panggasolina gayong hindi naman sila magkakilala. Mas pinahalagahan ng binata ang kanyang kaligtasan kaysa kanyang pera. Nalaman ni Monet na nakatira lang sa pook ng mahihirap si Mbele. Dahil sa makatunaw-pusong kuwento, maraming tao all over the world ang nagpaabot ng tulong sa binata na umabot ng $32,972.94, katumbas na ito ng kanyang 8 years salary sa pinagtatrabahuhang gas station.

Nanatiling mapagkumbaba si Mbele sa kabila ng pagsikat niya sa buong Cape Town at sa buong mundo. Sabi niya sa kanyang interview sa TV: “Black man o White, dapat ay magtulungan tayo sa oras ng kagipitan. At panatilihin po ang kabutihan sa ating puso sa lahat ng oras.”

 

vuukle comment

MAKATUNAW-PUSONG KUWENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with