^

Punto Mo

Malinis na tubig, kulang; tubig-baha sobra-sobra!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang matatagalan pa bago bumalik sa normal ang supply ng tubig sa Kalakhang Maynila at karatig nitong lalawigan.

Ito ay dahil nga sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam na siyang pangunahing pinagkukunan ng supply ng mga nabanggit na lugar.

Ang masaklap pa nga, ito ay sa kabila na malalakas na pag-ulan na ang nararanasan at ang opisyal na pagdedeklara ng PagAsa na pumasok na ang tag-ulan.

Dahil na rin sa pagkatuyot ng dam, sinasabing binuksan na ang low level outlet ng Angat.  Ito ay isang lagusan sa ilalim na kayang maglabas ng tubig ng kahit mas mababa na sa 160 metro ang lebel para lamang patuloy na makapag-supply ng tubig sa Metro Manila.

Sinasabing posibleng umabot pa sa tatlong buwan bago bumalik sa normal  o makarekober sa pagkatuyo’t ng Angat.

Matagal-tagal pa ito, tiis-tiis na naman ang marami nating kababayan.

Sa isang banda, kung may problema sa kakapusan ng malinis na tubig, eto naman ang problemang kinakaharap din ng marami, ang sobrang tubig baha.

Sa ilang araw nang pag-uulan matinding problema sa pagbaha naman ang naranasan sa mga maraming lugar.

Yan naman sobra-sobra sa tubig na perwisyo.

Kapansin-pansin na konting buhos eh umaapaw ang mga drainage o creek. Ibig sabihin , hindi rin napaghandaan ng mga kinauukulan ang problema na naman sa pagbaha, ngayong tag-ulan.

Kung sana eh sa mga dam na lang bumuhos ang mga ulan para yon ang mapuno, pero hindi nangyari kundi sa mga kabahayan na nalubog na naman sa mga pagbaha,

Walang naglilinis sa mga daluyang tubig kaya ayun nagkabara-bara , sangkaterba pang basura ang naglulutangan gawa ng mga walang disiplinang mamamayan.

 

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with