^

Punto Mo

80 OFWs nakulong sa Saudi Arabia pero agency dedma lang, kaya sinampulan ng BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAMAKAILAN lang nang mai-ere namin sa BITAG Pambansang Sumbungan ang sumbong ng 80 OFWs sa Saudi Arabia na ipinahuli matapos malugi at magsara ang kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan.

Nanggagalaiti sa galit habang inilalahad ng kapatid ng isa sa mga nabilanggong OFW ang hindi pagtulong ng Hayya International Services Corp. sa mga pobreng empleyado nila na makabalik dito sa Pilipinas matapos maaresto.

Duda ng kapatid, nabiktima ng “set-up” ang mga empleyado dahil wala nang pambayad ng visa ang employer at minabuti na lamang ng agency na ipahuli sila at hintaying mai-deport ng gobyerno ng Saudi Arabia para makaiwas sa gastusin.

Nang tawagan namin ang agency, ramdam agad namin na parang wala silang pakialam. Wala sa puso ang pananalita. Sinasabi lang na may gagawin pero halatang hanggang pangako lang.

Kaya naman kasama ang Makati Police Sub-Station, pinuntahan ng BITAG Strike Force ang inirereklamong recruitment agency upang makausap si Pen Sta. Maria, ang kanilang ope­rations manager.

Dito na kinumpronta ng mga nagrereklamo at ng aming team ang kanilang staff  kung bakit hindi nila maasikaso ang pag-uwi ng kanilang mga empleado.

Depensa ng kolokoy na tauhan ng agency, hindi raw nila alam na ganoon ang sinapit ng kanilang mga empleado. Puwede ba naman ‘yon? Akala yata nitong mga hunghang na ito ay ngayon lang kami humawak at tumulong sa mga ganitong klaseng sumbong.

Matapos ang ilang araw naming pambubuwisit, pangungulit at pambubulabog ng BITAG sa agency, nakauwi na rin sa wakas ang first batch ng mga nabilanggong OFW.

 

Inaasahan ang BITAG na makakauwi na rin ang mga natira pang OFW sa mga susunod na mga araw. Hindi magugustuhan ng Hayya International na makitang muli ang pagmumukha namin sa kanilang tanggapan.

Ika nga ni Atty. Bernard Olalia, Administrator ng POEA, hindi natatapos ang responsibilidad ng mga employer sa pag-deploy lang ng mga tao palabas ng bansa. May pananagutan pa rin sila sa mga ito hanggang sa sila’y makabalik sa Pilipinas pagkatapos ng kanilang kontrata.

Merong tinatawag na regular monitoring at submission of monitoring reports na kung saan malalaman nila ang kalagayan ng mga ipinadala nilang manggagawa abroad. Kapag may nangyari sa mga OFW at hindi nakapag-submit ng report ang agency ay may pananagutan sila sa POEA.

Kaya payo ko sa mga noncompliant agencies tulad nito, huwag n’yo nang hintaying mahulog pa kayo sa BITAG namin. Katuwang namin ang POEA upang isa-isahin kayong mga kolokoy.

Kung kinakailangang suspindehin o kanselahin ang mga lisensya n’yo, gagawin namin, matuto lang kayo. Hindi titigil ang Pambansang Sumbungan na kalampagin ang mga patay-patay dahilan para maghirap ang ating mga kababayan.

Makakatikim talaga kayo sa’min ng aksyon ora mismong di ninyo magugustuhan.

vuukle comment

SAUDI ARABIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with