^

Punto Mo

20 kuwento na makakatunaw ng bawat puso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Manicure

ISANG araw ng July 2018, pumasok si Angela Peters sa nail salon na nasa loob ng Waltermart. Naka-automatic wheelchair siya dahil sa kanyang sakit na cerebral palsy. Sa kabilang dako, napadaan sa tapat ng nail salon  si Ebony Harris, cashier ng Walmart para mag-lunch break. Nakita niya nang pumasok sa salon si Angela. Saglit lang ito sa loob at pagkatapos ay lumabas kaagad. Ang salon ay napapaligiran ng glass wall kaya nakikita ang mga tao sa loob. Base sa body language ng staff ng nail salon na lumapit kay Angela, naobserbahan ni Ebony na tinanggihan nito na serbisyuhan ang babaeng nasa wheelchair.

Kilala na ni Ebony si Angela dahil regular itong namimili sa Waltermart. Kapansin-pansin kasi ito dahil lagi itong nag-iisa sa kabila ng kanyang kapansanan. Noon pa ay hanga na siya sa pagiging independent ni Angela. Paglabas ni Angela sa nail salon, nilapitan siya ni Ebony.

‘Hi, I’m Ebony, cashier ako r’yan sa Waltermart. Pamilyar ako sa iyo dahil suki ka namin. Lunch break ko ngayon. Gusto mo, ako ang mag-manicure sa iyo?’

Nagliwanag ang mukha ni Angela. Ngumiti ito at saka tumango. Sinamahan ni Ebony si Angela na mamili ng kulay ng cutex sa beauty section. Pumasok sila sa isang fast food at doon isinagawa ang pagma-manicure. Natuwa ang isang staff ng fastfood at kinuhanan sila ng picture habang buong tiyagang pinahiran ni Ebony ang mga kuko ni Angela sa kabila ng paminsan-minsan involuntary paggalaw ng kamay nito. Inilathala ng staff ng fastfood ang eksenang minamanikyuran si Angela sa Facebook. Naging viral ito. Umani ng paghanga si Ebony. Pareho silang ininterbyu sa ABC News. Lalo pang nadagdagan ang mga humanga kay Ebony nang malaman ng publiko na kaya niya inalok ng manicure si Angela ay dahil tinanggihan siya ng nail salon porke may kapansanan ito.

Ang palusot ng nail salon kung bakit nila tinangihang serbisyuhan si Angela, na ipinagdiinan ng Walmart na hindi sila ang may-ari nito at tenant lang ito, ay baka raw nila masugatan si Angela habang minamanikyuran dahil nga may mga involuntary itong galaw.

Ang nagtulak kay Ebony na magprisintang manikyuran si Angela ay una, awa at pangalawa, nauunawaan niyang ang mga babae, may kapansanan o wala ay nagnanais na maging maganda. Diyata’t kuko lang ang gusto niyang pagandahin, ay ipagkakait mo pa sa kanya?

vuukle comment

PUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with