^

Punto Mo

NAIA luluwag dahil sa Sangley Airport

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

TINIYAK ni DoTr Secretary Arthur P. Tugade ang konstruksiyon ng mga karagdagang faci­lity sa Sangley Airport, Cavite ay matugunan sa November deadline nito na itinakda ni Boss Digong para sa kanyang augmented operationalization. 

Ibinida ni Sec. Tugade, matapos niyang pangunahan ang inspeksyon sa Sangley Airport. 

Sinuri rin nila ang nakumpleto asphalt overlay ng runway, pati na rin ang patuloy na construction sa Passenger Terminal Building, ang pinagbuting drai­nage system, at ang hangars. 

Sabi ni Sec. Tugade, na hindi dapat mangamba sa pagbaha sa lugar dahil aayusin natin ito ng husto.

Tinignan ni Sec. Tugade, ang lokasyon para sa mga landing berth ng ferry operation na puedeng transportasyon sa mga pasahero sa Sangley Airport.

Ang landing berth ay kailangang matukoy ng  Philippine Navy base sa kaligtasan at security considerations. 

Nabanggit din ang posibilidad ng paglulunsad ng isang Point-to-Point bus service mula sa NAIA hanggang sa Sangley Airport upang i-assist ang madlang passengers.  

Nasa 24/7 construction ang ginagawa sa Sangley Airport upang matugunan ang deadline ni Boss Digong.  

Para lalong makatulong na mapabilis ang mga gawain dito iniutos ni Sec.  Tugade na mag-hire ng mga karagdagang manpower, extension ng work hours, at ang magkaroon pa ng mga karagdagang kagamitan. 

Nagkaroon din ng pulong ang mga kinatawan mula sa Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia upang magamit ang Sangley Airport para sa general aviation, freight turboprop at komersyal  turboprop operation  sa lalong madaling na in place na ang mga infrastructure dito.. 

Sabi ni Sec Tugade, oras na maayos ang ongoing expansion sa Clark International Airport at ang additional ­operation ay available sa Sangley Airport ang mga flight at passenger congestion sa NAIA ay tiyak na luluwag. 
Ano sa palagay ninyo?   Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with