^

Punto Mo

Pinakamabilis na pag-ikot sa mundo habang sakay ng bisikleta, naitala ng taga-Scotland

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula Scotland ang kinilala bilang Guinness World Record holder matapos niyang ikutin ang buong mundo habang sakay ng bisikleta.

Mas mabilis niya itong nagawa ng tatlong linggo kaysa sa dating world record.

Nakumpleto ni Jenny Graham ang kanyang paglalakbay sa loob lamang ng 124 araw at 11 oras, na mas mabilis sa 144 araw na record na naitala ni Paola Gianotti mula Italy.

Tinatayang nasa 156 milya ang layo ng nararating ni Graham sa 13.5 oras na pagbibisikleta niya kada araw.

Imposible namang bisikleta lang ang kanyang gamiting sasakyan sa pag-ikot sa buong mundo kaya may mga pagkakataong hindi niya naiwasang mag-eroplano at magbangka.

Nagsimula ang 18,000 milyang pag­lalakbay ng 39-anyos noong Hunyo 16, 2018 sa Brandenburg Gate sa Germany. Mula roon ay dinaanan niya ang 16 bansa kabilang ang Latvia, Lithuania, Mongolia, China, Australia, USA, Portugal, Spain at Holland.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with