^

Punto Mo

NAIA-BI

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAGULANTANG ang immigration officials sa NAIA ng mabalitaan nilang sisibakin sa puesto ang mga matataas na opis­yal dito oras na matapos ang COMELEC ban sa Philippines my Philippines kaya naman ang iba sa mga kamote ay naghahanap ng mga padrino para huwag maalis sa kanilang puesto at huwag matapon sa kangkungan.

Ayon sa bulong-bulungan, mawawala sa kanilang mga puesto sina Erwin Ortanez, bilang hepe ng BI-Travel Control Enforcement Unit, Glen Comia, TCEU terminal 1 head at Bien Guevarra pero hindi pa malaman kung saan sila ipupuesto ni Commissioner Jaime Morente.

Si Aton Lopez, ang terminal head sa NAIA T3-TCEU, ay nababalitang hindi maaalis sa puesto kahit na magkaroon ng balasahan sa airport?

Bakit kaya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

May dalawa namang nakapuesto sa juicy position sa NAIA-BI, ang hindi umano magagalaw dahil sa tindi ng padrinong nakuha nila?

Ika nga, napakiusapan ang magbabalasa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang dalawang sinasabing nasa juicy position ang siyang utak ng mga nagpapasok o nagpapalusot ng mga ‘kambing’ (bombay) sa NAIA, samantala ang isa sa mga ito ay madalas mamasahero ng mga manggagawang may depektibo ang mga dokumento.

Kinakapa ng NBI ang operasyon ng mga tiwaling immigration personnel at kasabwat nila sa paliparan kaya naman inaasahang malapit na silang pumutok sa kanilang katarantaduhan.

Ibinulong pa ng mga asset na may immigration adik ang lulon sa droga ang ilalagay sa magandang puesto sa mga susunod na araw dahil sa ‘ninong’ system?

Abangan.

• • • • • •

Cayetano bilang Speaker of the House

Kung sa mga karanasan, talino, galing at kualipikassyon tiyak lamang dito si Taguig Rep. Alan Cayetano !

Alam ba ng madlang people na kaya bumandera o nanguna si Boss Digong sa Taguig dahil sa ginawang house to house campaign ng grupo ni Alan at maging ang mga kandidato ng mga Hugpong pasok sa top 12, sa katatapos last month ng midterm election.

Ano pa ang gusto ninyo ?

Hindi natinag si Alan ng ipagtanggol nito si Boss Digong sa boung mundo sa giyera nito kontra droga, isyu ng human rights at dahil dito isinama si Cayetano sa kaso sa International Courts ng sampalin este mali sampahan pala ni Atty. Jude Sabio noon.

Hindi nabahag ang buntot ni Cayetano ng labanan ang mga makapangyarihan sa pagbubulgar at sa ginawa nitong imbestigasyon sa Senado at maging noon siya ay kongresista.

Bukod dito, isinulong din niya ang good governance at anti-corruption noon.

Naging konsehal, Vice Mayor at 3 termer congressman si Alan kaya kapado niya ang takbuhan sa karera este mali sa lokal politics pala.

Two termer si Cayetano naging Senador kaya naiintindihan at kabisado nito ang kalakaran ng national politics.

Sabi nga, kayang - kaya niyang itulay ang kamara at senado sa isa’t-isa.

Naging miyembro din si Cayetano ng gabinete kayang - kaya nitong itawid ang lehislatura sa ehekutibo.

Hindi pa ito kayang-kaya ni Cayetano, katawanin ang Kamara at ang Philippines my Philippines sa international arena dahil sa kanyang karanasan bilang Foreign Affairs secretary.

Ano sa palagay ninyo may hahanapin pa ba kayo kay Cayetano kung siya ang papalarin maging Speaker of the House ?

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with