^

Punto Mo

Ang Taga-pagmana

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY kanser ang isang mayamang matanda at pinuproblema niya kung kanino niya ipapamana ang kanyang kaisa-isang mall na kilalang pinakamalaki sa kanilang probinsiya. May tatlo siyang anak na lalaki pero ang gusto niya ay ipamana ito sa isang anak lang. Ang dalawang hindi makakakuha ng mall ay ibang property na lang ang ibibigay sa kanila. Kaso, iisa ang gustong makuha ng mga anak: ang sikat na mall na nag-aakyat ng sangkatutak na pera sa kaban ng mayamang matanda.

Sinubok ng matanda ang talino ng kanyang mga anak. Binigyan niya ang tatlo ng tig-P2,000. Binigyan din sila ng tig-iisang silid na magkakatulad ang laki. Kailangan nilang punuin ng kahit ano ang silid gamit ang P2,000.

Ang panganay ay nagpahakot ng basura sa silid. Napuno ang silid ng basura pero hindi natuwa ang matanda. Ang sabi nito sa panganay na anak: Nasunod mo nga ang aking gustong mangyari, ang mapuno ang silid.

Ang tanong, anong kabutihan ang idudulot ng basurang inilagay mo sa iyong silid? Sa paggawa ng desisyon, dapat ay may pakinabang kang makukuha rito at hindi perwisyo.

Ang pangalawa ay walang maisip kaya nag-give up na lang at isinauli ang P2,000 sa kanyang ama. Ayaw niyang mapahiya kagaya ng kanyang kuya. Ang bunso ay bumili ng isang pirasong kandila. Sa harap ng kanyang ama ay sinindihan ito, Kumalat sa buong silid ang liwanag na nagmula sa kandilang binili sa halagang P5.00

Ang sabi ng bunso sa kanyang ama: “Tingnan mo Papa, ang buong silid na madilim kanina ay napuno ngayon ng liwanag”. Ngumiti ang ama. Nakakasiguro siya ngayon na mapapapunta sa mabuting kamay ang negosyong pinuhunan niya ng dugo at pawis sa mahabang panahon.

vuukle comment

KANSER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with