^

Punto Mo

Laptop na puno ng virus, nabenta ng $1.345-M

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG laptop na pinuno ng pinakamalalang viruses bilang art project ang naibenta sa halagang $1.345 million (higit P70 milyon).

Pinuno ng artist na si Guo O Dong ang laptop ng pinakamapinsalang ransomware viruses sa mundo, kabilang na ang WannaCry, BlackEnergy, ILOVEYOU, MyDoom, SoBig at DarkTequila.

Karamihan sa mga virus na inilagay ni Dong ay Ransomware, na nagdudulot ng pagka-lock ng laptop hanggang sa magbayad ang gumagamit nito ng “ransom” sa sinumang naglagay ng virus. Tinatayang nasa $95 billion na pinsala ang idinulot nito sa buong mundo at minsan na rin itong naging sanhi ng pagkakaroon nang malawakang brownout sa Ukraine.

Ayon kay Dong, ginawa niya ang kakaiba niyang art piece, na pinangalanan niyang “The Persistence of Chaos,” upang bigyan ng anyo ang mga high-tech  na problemang kinakaharap natin ngayon partikular na sa larangan ng cyber-security.

Wala naman dapat ipangamba dahil naka-“quarantine” ang laptop mula sa kahit anong network kaya hindi kakalat ang mga virus na taglay nito.

vuukle comment

VIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with