^

Punto Mo

Malayo man, susugod pa rin ang BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PINALAKI kaming magkakapatid na astig at barako. Pero pagdating sa mga kababaihan, talagang lumalambot ang aming mga puso.

Kaya naman kapag may inang umiiyak na sa harap ko’t nirereklamo ang kanilang  butangero’t kabron na mister, aksiyon ora mismo ang BITAG.

Nagdalawang isip pa ang isang ginang na lumapit sa aming Action Center. Sa malayong lugar daw kasi itinago ng kaniyang abusadong mister ang kanilang dalawang anak.

Nakaabot sa kaniya na hindi pinapakain ng maayos ang anak niyang isang 6 na taon at isang 4 na taon.  Ganoon na lang ang kaniyang pangambang hindi matulungan ng BITAG dahil sa layo ng lugar.

Lagi kong sinasabi, wala akong pakialam sa mga away ng mag-asawa o pamilya. Pero kung may pang-aabusong nagaganap at damay ang mga bata, lulusob talaga ang BITAG.

Tinungo ng BITAG Pambansang Sumbungan Strike Force ang Umingan, Pangasinan kung saan itinatago ng putok sa buhong asawa nito ang dalawang bata.

Ora mismong nakipagtulungan sa BITAG ang Municipal Social Welfare Development at Women and Children’s Protection Desk ng Umingan, Pangasinan para i-rescue ang mga kawawang paslit.

Nakakadurog ng puso nang makita ng mga bata ang kanilang ina. Hindi tumigil kakaiyak ang mga bata’t ramdam nilang ligtas na sila.

Ayon sa ginang, hindi na niya babalikan pa ang  butangero niyang asawa na lulong na rin pala sa bisyo. Ganitong mga problemang pampamilya ang pinanghihimasukan ng BITAG para sa kaligtasan ng mga kababaihan at bata.

Sinumang inabuso, inagrabiyado’t niloko, itatabla kayo ng Pambansang Sumbungan sa inyong mga laban.

At kailanman, hindi naging hadlang sa BITAG ang destinasyon o lugar ng aming operasyon. Marami na kaming trinabaho simula pa 2002 sa malalayong probinsiya, mapapanood niyo ang mga yan sa BitagOfficial YouTube channel.

Sa mga nais magsumbong sa BITAG mula sa malalayong probinsiya ng Pilipinas, ipadala ang inyong mga sumbong sa [email protected] Nakaantabay ang BITAG investigators sa inyong mga tip at sumbong.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with