^

Punto Mo

Ang taong hindi sumusuko

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG pinakamagandang halimbawa ng taong hindi kayang tinagin ng mga kabiguan sa buhay ay si Abraham Lincoln. Nagmula siya sa pamilyang mahirap pa sa daga. Walong beses siyang tumakbo sa election sa iba’t ibang posisyon ngunit natalo lang.

Dalawang beses nagtayo ng negosyo pero nauwi lang sa pagkalugi. Nagdulot ito ng sama ng loob sa kanya na nagresulta ng nervous breakdown. Dapat sana ay sumuko na siya pero hindi niya iyon ginawa hanggang sa magtagumpay siya nang iproklamang ika-16 na Presidente ng United States of America. Totoong ang hinihirang na champion ay iyong hindi marunong sumuko. Narito ang nilakbay si Lincoln patungo sa kanyang pangarap na tagumpay:

1816 Pinalayas sa kanilang bahay kaya kailangan niyang magtrabaho.

1818 Namatay ang kanyang ina.

1831 Nalugi ang kanyang negosyo

1832 Kumandidato sa state legislature – talo.

l832 Nawalan ng trabaho at hindi tinanggap sa law school.

1833 Umutang ng puhunan sa negosyo pero nalugi. Mga 17 years niyang binayaran ang utang na ito.

1834 Kumandidato na naman sa state legislature at nanalo.

1835 Engaged to be married pero namatay ang nobya bago pa man sila ikasal.

1836 Nagkaroon ng nervous breakdown at naratay sa banig ng karamdaman ng 6 na buwan.

1838 Sinubukang maging speaker of the state legislature pero natalo.

1840 Sinubukang maging elector pero natalo na naman.

1843 Kumandidato sa Congress - talo

1846 Kumandidato muli sa Congress again - this time nanalo.

1848 Tumakbo for re-election sa Congress - talo.

1849 Nag-aplay para maging land officer ng kanyang home state, Kentucky - rejected.

1854 Tumakbo for Senate of the United States - talo.

1856 Sought the Vice-Presidential nomination at his party’s national convention - talo.

1858 Tumakbo ulit sa U.S. Senate - talo.

1860 Nahalal na President of the United States sa wakas!

vuukle comment

ABRAHAM LINCOLN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with