^

Punto Mo

Seguridad sa mga mag-aaral, paigtingin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa Lunes na magbubukas ang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa at sa ilang mga pribadong eskuwelahan, malaki ang inaasahan ng mga magulang sa ating kapulisan para mabigyang seguridad ang kanilang mga anak.

May pangamba kasi ang mga magulang sa muli na namang pagsalakay ng mga kawatan na ang target ay ang mga mag-aaral.

Isa pa nga rito ang sinasabing malalaking krimeng nagaganap partikular sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Hindi nga ba’t kamakalawa lamang maging sa istasyon ng MRT, may pinaslang .

Hindi lamang sa labas ng kanilang paaralan dapat mabigyan nang masusing pagbabantay ang mga mag-aaral, kundi maging sa loob din mismo ng kanilang eskuwelahan.

Nandyan na naman marahil ang mga nagsisiga-sigaan o mga bully na siyempre magyayabang ang mga ‘yan sa mga baguhan. Ito ang dapat masinop ng pangasiwaan ng mga paaralan para ‘di na makapanakit pa ng kanyang kapwa mag-aaral.

Hindi lang sa krimen dapat na mabantayan ang mga mag-aaral, dapat ding matutukan ang kanilang kaligtasan sa mga pasaway na school service.

Ito yung kahit punung-puno na ang kanilang sasakyan, eh sige pa rin ang kuha nang seserbisyuhan at hindi iniisip ang kaligtasan ng kanyang mga sakay.

Ang pagkilos dito ng LTFRB at LTO ang inaabangan.

Sa mga service ngang tricycle makikitang kung saan-saan na lang pinasasabit ang mga paslit na mag-aaral para lang kumita.

Maraming mga mananamantala kapag nagbubukas ang eskwela, isama pa mnga dyan ang mga kawatan at sa mga mapagsamantalang ito dapat na maprotektahan ang mga mag-aaral nang mawala ang pangamba ng mga magulang.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with